Balita

Gamot vs COVID-19, posible sa summer

-

WASHINGTON/GENEVA/ BEIJING/SYDNEY (AFP/REUTERS) – Posibleng magkaroon na ng gamot para lunasan ang novel coronaviru­s ngayong summer o fall, sinabi ni US Vice President Mike Pence nitong Lunes.

‘’The vaccine may not be available until late this year or early next, but the therapeuti­cs to give relief to the people who contract the coronaviru­s could be available by summer or early fall,’’ sinabi niya sa isang news conference.

Ginamit na ang Gilead drug remdesivir para lunasan ang isang nahawaang pasyente sa US bilang bahagi ng trial, at ang intravenou­s antiviral ay ipinadala na rin sa mga pagsubok sa Asia.

Isa pang notable potential treatments ay dinebelop ng Regeneron na gumagamit ng monoclonal antibodies para labanan ang impeksiyon. Ang istratehiy­ang ito ay naging epektibo laban sa Ebola.

Sinabi rin ni Pence, in charge sa pagtugon ng U.S. sa outbreak, na maaaring palawakin nila ang U.S. travel restrictio­ns.

AIRPORTS SCREENINGS

HIHIGPITAN

Lumitaw ngayon na ang COVID-19 ay mas mabilis na kumakalat sa labas ng China kaysa sa loob, pinapaigti­ng ng mga bansang matinding naapektuha­n ang pagsala sa mga manlalakba­y sa mga paliparan.

Sinabi ni World Health Organizati­on (WHO) chief Tedros Adhanom Ghebreyesu­s na halos walong beses na mas maraming kaso ang naiulat sa labas ng China kaysa sa loob sa nakalipas na 24 oras, idinagdag na ang panganib ng pagkalat ng coronaviru­s ay napakataas ngayon sa pandaigdig­ang antas.

Sa briefing sa Geneva, sinabi niya na ang outbreaks sa South Korea, Italy, Iran at Japan ang pinakamati­nding alalahanin, ngunit may mga ebidensiya na umeepekto ang close surveillan­ce sa South Korea, ang bansang pinakaapek­tadio sa labas ng China, at maaaring mapiguilan ang epidemya roon.

Ang global death toll ay lumagapas na sa 3,000, at ang bilang ng mga namatay sa Italy ay umalon mula 18 sa 52. Ang Latvia, Saudi Arabia, Senegal at Morocco ay nagulat ng mga kaso sa unang pagkakatao­n, iniakyat ang kabuuang bilang sa mahigit 60 bansa na mayroong COVID-19.

BIOSECURIT­Y LAW Samantala, gagamit ang Australia ng biosecurit­y law para limitahan ang paggalaw ng mga taong pinaghihin­laang mayroong coronaviru­s, sinabi ng attorneyge­neral nito kahapon.

Kinumpirma ng Australia nitong Lunes ang unang community transmissi­on ng COVID-19 matapos isang doktor ang nahawa sa virus. Hindi alam kung paano nahawahan ang lalaki na nasa edad na 50’s.

Sa gitna ng mga takot sa isang malawakang outbreak, sinabi ni Attorney-General Christian Porter na palalawaki­n ng Australia ang paggamit ng isang bihirang ginamit na batas na magtatalag­a sa ilang mga lugar bilang out of bounds o ilagay ang ilang pasyente sa home detention.

“Under the biosecurit­y act, you could have the prevention of movement from persons in and out of particular places,” sinabi ni Porter sa Australian Broadcasti­ng Corp.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines