Darren, nanliligaw kay Cassy Legaspi?

NAGING GF SINA ANDREA, YLONA AT KYLINE

Balita - - Front Page - Nitz Miralles

WALA pang nagde-deny kina Andrea Brillantes, Ylona Garcia at Kyline Alcantara sa pasabog ni Darren Espanto sa presscon/ launching niya bilang bagong ambassador ng BEAUTeDERM Corporatio­n na naging GF niya ang tatlong young actresses.

Hindi kasi tinigilan ng press people si Darren sa interview sa kanya after ng General Presscon kung saan, ipinakilal­a siya mismo ni Rhea Anicoche-Tan, President and CEO of BEAUTeDERM Corporatio­n na si Darren ang bagong member ng BEAUTeDERM Corporatio­n. Kaya, napaamin siya na nagka-love life na at binago ang naunang pahayag na hindi pa siya nagkaka-GF.

Sa anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel na si Cassy Legaspi nali-link ngayon si Darren at lalong naniwala ang fans nito na nanliligaw siya rito dahil “brothern-law” ang tawagan nila ni Mavy Legaspi, ang kakambal ni Cassy.

Anyway, malaki ang campaign plan ni Ms. Rhea para ipaalam na ndorser na niya si Darren, may mga billboard na itataas, mall show at grand launching.

“I am so honored now that I am finally part of the Beautederm family. I am so grateful for the trust that Mommy Rhea has given me . I love the products of Beautederm and this is a brand that I rea lly use in my personal hygiene and grooming. Now I can truly san that I am a proud Beautederm brand ambassador,” sabi ni Darren.

Darren Cassy

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.