Balita

‘GROSSLY UNACCEPTAB­LE’

HNP galit sa pagsipa ng House kay Ungab

- Nina BEN R. ROSARIO at BERT DE GUZMAN

Kinondena kahapon ng Hugpong ng Pagbabago ang desisyon ng House of Representa­tives na patalsikin si Davao City Rep. Isidro Ungab bilang chairman ng makapangya­rihang Committee on Appropriat­ions bilang bahagi ng revamp na diumano’y aksiyon laban sa mga mambabatas na nasa likod ng kudeta laban sa liderato ni Speaker Alan Peter Cayetano.

“For HNP, the ouster of Ungab was grossly unacceptab­le as it is disadvanta­geous to the Duterte administra­tion’s reform agenda for the Filipino people and the country. We laud him for being a good soldier of President Rodrigo Duterte and for doing his job with pride and principle,” saad ng HNP, pinamumunu­an ni presidenti­al daughter at Davao City Mayor Sara Duterte.

Bukod kay Ungab, sinipa din ng Cayetano leadership sina Mindoro Oriental Rep. Doy Leachon bilang pinuno ng House contingent to the House of Representa­tives Electoral Tribunal.

Ang bagitong si ACT-CIS Rep. Eric Go Yap ang pumalit kay Ungab habang si Kabayan Partylist Rep. Ron Salo ang pumalit sa HRET post ni Leachon.

Ang pag-alis ni Ungab ay iniulat na ganti sa kanyang hakbang upang harangan ang P80 bilyon na insertion sa 2020 national budget na sinasabing ginawa ng isang grupo ng solons na kaalyado ni Cayetano.

Ang grupo rin ang nasa likod ng P95billion “pork barrel parking” scandal na nagdulot ng pagkaantal­a sa pagpasa ng 2019 budget.

Samantala, naniniwala si Leachon na pinatalsik siya sa HRET dahil sa pagtuligsa kay Camarines Sur Rep. ElRay Villafuert­e na 20 miyembro ng mayorya ang inalok ng juicy positions kapalit ng kanilang suporta para sa pagpapatal­sik kay Cayetano ilang buwan bago ang 15-21 term sharing agreement

kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na dapat ipatupad.

Sinabi ni Leachon na pinasimula­n nina Cayetano at Villafuert­e ang “selfcreate­d scenario” para magkaroon ng rason na huwag kilalanin ang term sharing agreement kay Velasco.

Sinabi ng beteranong administra­tion lawmaker na ang kampo ni Cayetano ay sinisikap na manatili sa trono.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines