Balita

Raver at Janine, ayaw magsama sa project?

-

KAILAN naman kaya magsasama sa isang pelikula ang magkasinta­hang Rayver Cruz at Janine Gutierrez? O baka naman iniiwasan nila ang isa’t isa?

May loyal Rayver fans ang nagpadala sa amin ng mensahe kung kailan gagawa ng pelikula ang idol nila kasama ang girlfriend na si Janine? Bakit daw hindi sila binibigyan ng serye ng GMA?

Sa totoo lang ito rin ang matagal na naming tanong sa mga kakilala namin sa GMA at ang laging sagot sa amin ay, “wala pa pong magandang materyales for them.”

Ano bang klaseng marteryale­s ang bagay sa dalawa? E, iba’t ibang klaseng love story na nga ang ginampanan ni Rayver, nandiyang may misis na multo (The Haunted Wife), nagkaroon ng asawang karibal niya (Asawa Ko, Karibal Ko) at iba pa.

O baka naman sadyang usapan nina Rayver at Janine na hindi sila puwedeng magsama sa iisang

proyekto para kahit paano ay may mystery pa rin sa kanila.

Puwede naman kasi kapag presscon o may interviews ang dalawa, wala ng masyadong paggay uusapan dahil bigay na at mas maganda nga rin na sa iba sila napapareha, ‘yun lang kapag love story o romance ay open si Janine sa kissing scenes na mabuti na lang at hindi seloso si Rayver. Ewan ko lang ang dalaga kung selosa siya.

Anyway, kasalukuya­ng nasa Samar ngayon si Rayver para sa shooting ng pelikula na ayaw namang banggitin kung anong titulo at anong production outfit

Tsika sa amin, “nagworksho­p ng husto si Rayver para sa project na ito.”

Hmm, curious tuloy kami kung anong pelikula at sinong direktor lalo’t sa Samar ang location, true to life story kaya ito?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines