Balita

Sotto kay Dela Rosa: Hindi ka lamang tagasunod

- Vanne Elaine P. Terrazola

Hindi lamang tagasunod ng Pangulo ang isang senador.

Ito ang paalala ni Senate President Vicente Sotto kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa at sa iba pang neophyte member ng Senado, na nag-reservatio­ns voting hinggil sa resolusyon na maaaring kumuwestiy­on sa kapangyari­han ni Pangulong Duterte na buwagin ang isang kasunduan nang hindi dumadaan sa Senado.

Pitong senador na kaalyado ng administra­syon ang nag-abstained nitong Lunes para sa pagpasa ng Resolution No. 337, na humihiling sa Korte Suprema na magdesisyo­n kung kailangan ba o hindi ang desisyon ng Senado para sa anumang pagbuwag sa isang tratado o kasunduan.

Naniniwala sila na ang Pangulo, bilang tagapagbuo ng polisiya sa ugnayang panlabas ng Pilipinas, ang siyang may karapatan lamang na magbasura ng isang kasunduan na niratipika ng Senado.

Sa botohan, inihayag ni Dela Rosa ang kanyang pananaw sa adapsyon ng resolusyon, at sinabihan si enate Minority Leader Franklin Drilon, miyembro ng oposisyon, na dapat itong maging “thankful” na mayorya ng kapulungan ang bumoto pabor sa resolusyon.

“Hindi naman tamang thinking ‘yon,” pahayag ni Sotto sa mga mamamahaya­g ng matanong hinggil sa kumento ng mga bagong senador.

“Perhaps later on, he (Dela Rosa) will realize that being a senator is different than just being a follower of the administra­tion,” dagdag pa nito.

Nanindigan naman si Sotto na dapat manatiling malaya ang Senado mula sa ehekutibon­g sangay.

“You should always side on what is good for the people. And you should always side on what is good for the Senate,” anito.

Paglilinaw ni Sotto ang paghingi ng desisyon ng SC hinggil sa isyu ng pagbuwag ng kasundan ay hindi nangangahu­lugan ng pagkontra sa desisyon ng Pangulo, ngunit para lamang matiyak ang awtoridad ng Senado bilang isang institusyo­n.

“We’re protecting the institutio­n. It must be an independen­t Senate. That is the reason the Constituti­on made it that way. Otherwise mag-unicameral na lang tayo, alisin na natin yong Senado. Kung gusto niyo lahat ng sasabihin ng Presidente ay pwede,”pagbibigay-diin nito.

“So again, there must be check and balance, that is the reason why we have three branches of government,” dagdag pa ni Sotto.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines