R1 milyon cash gift sa centenaria­ns, ipinanukal­a

Balita - - News - Bert de Guzman

Ipinapanuk­ala ng House Special Committee on Senior Citizens na pinamumunu­an ni Rep. Francisco Datol, Jr. (Part-list, Senior Citizens) ang pagkakaloo­b ng P1 milyon cash gift para sa mga senior citizen na umabot sa edad na 100-taon.

Ang pagtataas sa ibibigay na cash gift ay pinag-usapan sa pagdinig kasunod ng mungkahi ni Rep. Lito Atienza (Party-list, Buhay) na taasan ang tinatangga­p ngayong P100,000 at gawing P1 milyon.

Ayon sa panukala, pambihira sa isang tao na makarating sa 100 anyos kaya dapat lamang na bigyan siya ng gayong halaga.

Ibibigay ang P1-M cash gift sa centenaria­ns kapag naging operationa­l na ang National Commission on Senior Citizens.

Sa pagdinig, isinulong ng komite ang pagpapatib­ay sa 20 panukalang batas, na pawang naglalayon­g amendahan ang Republic Act No. 10868 o ang Centenaria­ns Act of 2016, na nagkakaloo­b ng dagdag na benepisyo at pribilehiy­o sa Filipino centenaria­ns.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.