Balita

Erdogan: Babaha ng migrants sa Europe

-

Nagbabala si Turkish President Recep Tayyip Erdogan nitong Lunes na milyun-milyong migrante ang malapit nang magtungo sa Europe, na nagbunsod ng mga akusasyon mula sa EU leaders na sinusubuka­n niyang gipitin sila para supoprtaha­n ang kanyang biglang paglusob sa Syria.

Pinahintul­utan ng Turkey ang refugees at migrants nitong Biyernes na tumulak patungong European Union at simula noon ay libu-libo na ang dumagsa sa Greek border, nagbunsod ng mga pangamba ng mga katulad na pagdagsa na lumason sa European politics noong 2015.

Inilarawan ni German Chancellor Angela Merkel ang hakbang ng Turkey na “unacceptab­le” at sinabi ni EU migration commission­er Margaritis Schinas na walang maaaring mang-”blackmail or intimidate the EU”.

Ngunit ang Turkey, na nagkakanlo­ng ng halos apat na milyong mga refugee, ay sinisikap na pigilin ang isa pang pag-agos ng masa mula sa Syria - kung saan umaabante ang puwersa ng gobyerno na suportado ng Russian air power patungo sa huling kuta ng mga rebelde sa Idlib.

Lalong pinaigting ni Erdogan ang pressure nitong Lunes ng gabi, sinabi na tinanggiha­n niya ang alok ng EU na £1.1 billion bilang dagdag na tulong para sa migrants, bukod pa sa 6-billion euro deal na napagkasun­duan noong 2016.

“We don’t want this money,” sinabi ni Erdogan sa news conference nang hindi tinutukoy kung kailan inialok ang pera at kung sino ang nag-alok.

Kalaunan ay idinagdag ng kanyang tanggapan na nag-usap sila ni Merkel sa telepono at binalaan muli na dapat makihati rin ang Europe sa pasanin sa pagtugon sa mga migrante.

Sinabi niya na ang bilang ng migrante sa hangganan sa Greek border – kinabibila­ngan ng Afghans, Syrian at Iraqis -- ay mas mataas kaysa mga numero na ibinigay ng mga opisyal at reporters sa lugar, sinabi na “hundreds of thousands” ang naroroon na.

“There will be more. Soon, this number will be expressed in millions,” babala niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines