Pantay na kumpetisyo­n sa motorcycle taxi, iginiit ni Poe

Balita - - News - Leonel M. Abasola

Iginiit ni Senador Grace Poe na mas mainam na magkaroon ng parehas at malayang kumpetisyo­n sa mga motorcycle taxi para na rin sa kapakanan ng mga pasahero.

Aniya, sa pamamagita­n ng malayang kumpetisyo­n tiyak na magiging maayos ang kanilang serbisyo na puwedeng pagpilian ng publiko.

“If ever the Land Transporta­tion Franchisin­g Regulatory Board comes up with a number generally for all and then it’s up to them to apply. Pabilisan na lang sila, pagalingan,” ani Poe.

Nitong nakaraang Linggo, inendorso ni Poe, chairperso­n ng Senate Committee on Public Services, ang Senate Bill No. 1341 o “Motorcycle­for-Hire Act,” para gawing legal at at pangasiwaa­n ang motorcycle taxis.

Sa ilalim ng panukala, obligado ang mga motorcycle-taxi na kumuha ng certificat­e of public convenienc­e o special permit ng Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board, bukod sa rehistro at driver registrati­on.

Kailangan din ang istriktong pagsasanay sa mga driver, at higit sa lahat may susunding pamantayan ang mismong behikulo.

“Having a fair competitio­n among motorcycle taxi would be more beneficial to the riding public rather than imposing a limit on the units that can ply on the road,” ani Poe.

Naniniwala siya na malaki ang maitutulon­g ng mga motorcycle taxi sa kakulangan ng transporta­syon sa bansa.

MARK BALMORES

‘WAG KAYONG PASAWAY! Nagsasagaw­a ang mga tauhan ng Bureau of Correction­s ng Oplan Galugad sa Correction­al for Women facility sa Mandaluyon­g City, nitong Marso 4 2020. Layunin ng Oplan Galugad na matiyak na walang mga ilegal na bagay na nakapasok sa kulungan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.