Balita

Duterte ‘happy’ na walang nasaktan sa hostage incident

- Mary Anns Santiago, Genalyn D. Kabiling at Chito Chavez

Masaya si Pangulong Rodrigo Duterte na walang namatay sa hostage situation sa isang shopping mall sa Greenhills, San Juan City, sinabi ng Malacañang kahapon.

“He (Duterte) was happy that there was no casualty except for one. There was only one and then he related what he did when he was mayor,” sinabi ni Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo sa press briefing sa Palasyo.

Nag-ulat si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa Pangulo at sa Cabinet tungkol sa hostagetak­ing incident sa pagpupulon­g ng Cabinet nitong Lunes.

Kinilala ni Panelo na mayroong mga pagpuna mula sa ilang mga grupo tungkol sa paghawak ng pamahalaan sa insidente ngunit ipinagtang­gol ang taktikal na desisyon ng pulisya upang matiyak ang kaligtasan ng mga hostage.

“The main concern is the safety of the 30 hostages. Since they survived and they are alive, I think we should welcome that,” aniya.

IMPROVEMEN­TS Naniniwala si Año na maayos ang naging pagtugon ng pulisya sa nasabing insidente, gayunman nakita pa rin niya ang pangangail­angan para sa isang pagsusuri sa insidente upang ma-assess ang mga aksyon ng mga pulis na ipinadala sa hostage-taking situation at makagawa ng “improvemen­ts” sa mga katulad na kaso sa hinaharap.

Nitong Lunes, hinostage ng dating security guard na si Alchie Paray ang 30 indibidwal sa V-Mall sa Greenhills, San Juan City kung saan walang nasaktan sa insidente.

Matapos ang 10 oras ng negosasyon sa pulisya at ni San Juan Mayor Francis Zamora, pinakawala­n ni Paray ang kanyang mga bihag dakong 8:00 ng gabi.

Pinayagan ng security officials si Paray na ipahayag ang kanyang sama ng loob sa kanyang security agency sa harap ng media bago siya inaresto.

Mahaharap si Paray sa ilang kaso kabilang ang frustrated murder, illegal possession of firearms, at serious illegal detention.

LAPSES

Kaugnay nito, ipinarerep­aso ni Mayor Zamora ang seguridad na ipinatutup­ad sa V-Mall na aniya ay kitang-kita ang lapses sa nangyaring hostage-taking.

Hindi nagustuhan ng alkalde na nagkaroon ng napakalaki­ng hostage crisis sa kanilang lungsod dahil lamang sa kapabayaan.

Giit ni Zamora, dapat na masusing maimbestig­ahan ang naganap dahil ito aniya ay hindi na lamang pribadong isyu sa pagitan ng guwardiya at ng mall, kundi isyu na rin ng seguridad sa lungsod.

Tiniyak naman ng management ng VMall na kaagad silang aaksiyon at sisiguradu­hing hindi na mauulit ang insidente. Nangako sila ng post-incident assessment hinggil dito, katuwang ang mga pulis.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines