R8.6-M shabu, kumpiskado sa Lucena

Balita - - News - Danny Estacio

LUCENA CITY, Quezon – Tinatayaan­g aabot sa P8.6 milyong halaga ng illegal drugs ang nasabat sa dalawang naarestong drug pushers sa ikinasang buybust operation ng pinagsanib na operatiba ng Drug Enforcemen­t Units sa lunsod na ito, noong Martes ng gabi.

Ayon kay Police Colonel Audie Madrideo, Quezon Police Provincial Office director, ang mga suspek ay nakilalang sina Mary Jane Joven Pamatmat, 30, dalaga, tubongNagc­arlan, Laguna at taga- Purok Villa Verde, Bgy. Ibabang Dupay, Lucena City at Niel Carlo Catipon Tolentino, Caloy, 24, binata, at taga- Bico Subdivisio­n, Brgy. Malabanban Norte, Candelaria, Quezon.

Sinabi ni Madrideo na ang mga suspek ay naaresto ng pinagsanib na operatiba ng Provincial Drug Enforcemen­t Unit (PDEU/PIB), PDEA 4A-Quezon at Lucena City Drug Enforcemen­t Unit sa sa Bgy. Ibabang Dupay.

Nasamsam sa operasyon ang 425 gramo ng shabu na may street value na P8, 670,000.00.

Nakakulong na ang mga suspek na nakatakdan­g sampahan ng kasong kriminal.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.