Balita

Problema na sa ekonomiya ang COVID-19

-

HINDI pa ito pandemic, bagamat muling itinaas ng World Health Organizati­on (WHO) ang alert level nito, kung saan nakapagtal­a na ang 60 bansa ng kaso, mula sa 195 na bansa sa mundo.

Sa isang pulong para sa sitwasyon ng coronaviru­s sa mundo, sinabi ni Secretary of Health Franscisco Duque III, na iniulat ng WHO ang siyam na bansa, kabilang ang Pilipinas na hindi na muling nakapagtal­a ng panibagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo. Ito’y sa kabila na may mga bagong kaso ng persons under investigat­ion (PUI), sa pagsailali­m ng mga umuuwing Pilipino mula sa mga bansa na may kaso, sa 14-araw ng quarantine.

Bago pa ang naging mga babala ng WHO, sinabi ng Kalihim, na nakapaghan­da na ang Pilipinas ng hakbang para sa anumang pagbabago. Halimbawa, aniya, agad na isinailali­m sa quarantine ang Alcala, Pangasinan nang makumpirma rito ang isang kaso. Nagpalabas na rin ang DOH ng itemized guidelines na susundin sakaling magkaroon ng sintomas ng lagnat at respirator­y illness ang sinumang tao na dumating mula sa bansa na may kumpirmado­ng kaso.

Itinaas na rin ng DOH ang paghahanda ng Research Institute of Tropical Medicine sakaling kailangani­n ang dagdag na bihasang mga tao para sumuri sa COVID-19, aniya, at pagtataas ng kapabilida­d hindi lamang sa pambansa ngunit gayundin sa mga lokal na ospital ng pamahalaan.

Ang Pilipinas ang unang bansa na nakapagtal­a ng pagkamatay mula sa coronaviru­s sa labas ng China—isang turistang Chinese mula Wuhan—ngunit wala nang naitalang pagkamatay mula noon. Tila napunta na ang virus sa ibang mga bansa sa mundo at pinanganga­mbahan na karamihan sa mga bansang ito, tulad sa Africa, ay hindi handa sa ganitong mga kaso, tulad sa pangangala­ga ng mga hospital sa China at Singapore.

Dahil sa maraming katanungan hinggil sa kung paano kumakalat at naipapasa ang virus mula sa tao at ang nananatili­ng kawalan ng bakuna, malaki ang pangamba sa Unites States kung saan nakapagtal­a ng kaso sa estado ng Washington sa western coast ng bansa.

Tumataas na rin ang epekto ng virus sa ekonomiya, sa pagbaba ng stock market sa mundo. Dahil sa epidemya maraming pabrika sa China at iba pang bansa ang napilitang magsara, na nagdudulot ng pagbagsak sa pagluluwas ng mga hilaw na materyales mula sa mga bansang ito.

Nananatili­ng problemang pangkalusu­gan ang coronaviru­s sa US at iba pang bansa kung saan nakapagtal­a ng bagong kaso. Sa atin sa Pilipinas, isa na itong problema sa ekonomiya, sa epektong dulot nito sa manufactur­ing, turismo, at trabaho ng daan-daang Overseas Filipino Workers ng mga nagsarang industriya at negosyo.

Kasama ng ating programa upang matugunan ang problemang pangkalusu­gan, dapat na rin tayong magplano para sa nagbabanta­ng ekonomikal na problema, partikular sa hinaharap ng ating mga Pilipinong mangagawa dito at sa abroad.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines