Balita

Mas malakas kung sama-sama

-

IPINAGDIWA­NG ng Bangsamoro Women Commission in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BWC-BARMM) ang simula ng National Women’s Month (NWM) nitong Lunes, sa pamamagita­n ng pagtatampo­k sa lakas ng mga kababaihan kapag sama-sama para sa iisang adhikain.

Sa kanyang talumpati para sa pagbubukas ng programa, sinabi ni BWC chairperso­n at Bangsamoro Transition Authority (BTA) parliament member Hadja Bainon Karon na: “every day is women’s day”. “We will show the world that Bangsamoro women are stronger together,” anito.

Binuksan ang selebrasyo­n ng buwan ng kababaihan sa pamamagita­n ng isang parade sa palibot ng BARMM center, na sinundan ng maikling programa na dinaluhan ng mga empleyado at mga opisyale ng iba’t ibang opisina at ministro ng rehiyon.

Ayon kay Karon, layunin ng pagdiriwan­g ngayong taon ang pagsisikap na mapalakas ang kapabilida­d ng mga kababaihan sa Bangsamoro bilang aktibong katuwang sa nation-building at regional developmen­t.

Sa ilalim ng Under Proclamati­on No. 227, ipinagdiri­wang ang buwan ng kababaihan tuwing Marso at nagkakaloo­b ng pagkilala sa kontribusy­on ng mga Pilipina sa lipunan.

Partikular nitong kinikilala at pinalalaka­s ang mga kababaihan bilang mga stakeholde­rs ng mga programa ng pamahalaan at serbisyo; paglikha at pagbuo ng mga plataporma upang talakayin ang mga magandang hakbang, espasyo, mga pagsubok at pagtuon sa gender and developmen­t; at magbigay ng inspirasyo­n at palakasin ang mga kababaihan na maging bahagi ng pagbabago.

Sa buong buwan ng selebrasyo­n, magsasagaw­a ang BCW-BARMM ng serye ng mga aktibidad, tulad ng physical fitness exercises sa apat na Biyernes ng buwan, ang values transforma­tion training para sa mga kawani ng pamahalaan at ang and gender sensitivit­y orientatio­n.

Tema ngayong taon ng pagdiriwan­g ang “We make change work for women.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines