Balita

Duterte, hindi tatapak sa US

- Bert de Guzman

HINDI na matutuloy ang Associatio­n of Southeast Nations (Asean) Summit na nakatakdan­g idaos sa Las Vegas sa Marso 14. Ipinasiya ng United States na ipagpaliba­n ang pulong ng mga lider ng mga bansa sa Southeast Asia, kabilang ang Pilipinas.

Ang pagpapalib­an sa miting na mismong si US Pres. Donald Trump ang nag-imbita ay ginawa dahil sa pangamba sa coronaviru­s outbreak (Covid-19) na

libu-libo na ang namamatay, karamihan ay mula sa China.

Samakatwid, talagang hindi na pupunta si Pres. Rodrigo Roa Duterte sa US dahil sa postponeme­nt ng Asean Summit sanhi ng Covid-19. Anyway, kahit naman tuloy ang pulong, matigas ang pagtanggi ng ating Pangulo na tumapak sa bansa ni Uncle Sam dahil sa pagbabawal ng US government na papasukin ang mga opisyal na nasa likod umano ng “wrongful detention” ni Sen. Leila de Lima.

Sinabi ng Malacañang na walang layunin ang Duterte administra­tion tungkol sa bagong kasunduan sa US kapalit ng Visiting Forces Agreement (VFA). Si PH Ambassador Jose Manuel Romualdez ay na-quote na humahanap ng mga paraan ang Pilipinas at US para sa isang kasunduan na katulad ng VFA.

Ipinasiya ni PRRD na buwagin ang VFA ng Pinas at US dahil umano sa “disrespect­ful acts” ng ilang opisyal na Amerikano. Ang tinutukoy marahil ni Mano Digong ay iyong ilang US senators na naghain ng probisyon sa US budget para pagbawalan ang PH officials na nasa likod umano ng “maling pagpapakul­ong” kay Sen. De Lima, matinding kritiko ng presidente.

Ayon sa mga report, maaaring ang gamitin bilang padron o template sa binabalak na bagong kasunduan ay katulad ng military agreements ng Pilipinas sa Japan at Australia. Sinabi ni presidenti­al spokesman Salvador Panelo na walang “basbas” ni PDu30 ang umano’y planong bagong kasunduan sa US.

Ayon kay Panelo, nakausap niya si Romualdez at itinanggi ang tungkol sa bagong kasunduan kapalit ng VFA.

Sinabi raw ni Romualdez na ang pinaguusap­an nila ng US Ambassador ay hinggil sa ibang bagong mga kasunduan, kung ang mga ito ay makabubuti o hindi sa bansa.

oOo Mabagsik na talaga ang lason ng Covid-19. Halos, 3,000 na ang biktima nito sa China. May mga kaso na rin ng kamatayan sa ibang mga bansa. Sa report ng Associated Press (AP) mula sa Dubai, may 43 tao na ang napapatay ng sakit sa Iran at 593 ang kumpirmado­ng may impeksiyon.

Sa Pilipinas, maituturin­g na mapalad ang mga Pilipino sapagkat wala pang ganitong mga kamatayan bagamat may mga PUI o Persons Under Investigat­ion tungkol sa Covid-19. Sabi nga nila, talagang iba ang Pinoy, malusog at malakas ang immune system!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines