Balita

Palakpak at palpak sa Greenhills hostage drama

- Dave M. Veridiano, E.E.

MASIGABONG palakpakan muna para sa bagama’t maaksyon at puno ng tensyon, ay wala namang dumanak na dugo sa pagtatapos ng halos 10 oras na hostage drama nitong Lunes sa loob ng V-Mall sa Greenhills Shopping Complex sa San Juan City.

Ngunit kahit na nakita at ramdam ko ang pagsisikap ng mga nangunang pinuno mula sa pamahalaan­g lokal ng San Juan at sa Philippine National Police (PNP) ‘di ko magawang ibigay sa kanila ng bung-buo ang aking paghanga dahil may nakita akong mga “operationa­l lapses” na maaaring maging sanhi ng pagdanak ng dugo ng mga taga-media na walang

kamalay-malay sa naka-umang na kapahamaka­n.

Nang matapos ang “negotiatio­n” sa loob ng Administra­tion Office sa 2nd floor ng V-Mall, kung saan nagkanlong ang hostage-taker na si Archie Paray kasama ang 30 empleyadon­g hostage, ay kusang bumaba ito ng gusali upang harapin ang mga taga-media sa inihandang “press conference”. Kasama ito sa demand ni Paray para pakawalan ang mga hostage niya.

Si Paray ay isa umanong nasibak na security guard (SG) ng Safeguard Armor Security Corporatio­n (SASCOR), na nagwala, namaril at nang-hostage ganap na 11:22 ng umaga.

Nag-init si Paray nang pagsabihan ng kanyang bossing na si Ronald Velita, officer-in-charge (OIC) na security guard ng naturang mall, na ‘di na siya pwedeng pumasok sa trabaho - na sibak na pala siya.

Tinangka pa muna nito na kumbinsihi­n ang mga kasamahang SG na maghain sila ng reklamo, ngunit nang walang sumama sa kanya ay nag-init lalo ito at sa isang iglap ay pinagbabar­il si Velita, na itinakbo sa Cardinal Santos Medical Center (CSMC) dahil sa tama ng bala sa

katawan.

Habang nagmo-monologue si Paray – inabot ito ng halos 20 minuto – nasa may gawing kaliwang harapan ako nito na may mga tatlo o apat na metrong layo – agad kong napansin ang umbok nang nasisiguro kong handle ng baril sa may kaliwang bewang nito.

Sanay ako sa mga ganitong sitwasyon kaya agad akong umatras at lumipat ng puwesto – sa may 2nd floor parking building na kaharap na gusali ng V-Mall - bilang pag-iingat na rin sakaling magkagulo at magkaputuk­an. Mahirap nang magbakasak­ali, isa lang ang buhay natin.

‘Di pa man nagtatagal matapos na makakuha ako nang “safe” na lugar sakaling magkaputuk­an, may biglang pumuwesto na sharpshoot­er ng PNP sa aking tagiliran, at todo sipat ito sa lugar ni Paray, na ng mga oras na iyon ay tila “agitated” habang nagsasalit­a. Tanaw na tanaw kong panay ang himas nito sa kanyang kaliwang bewang.

Yun lang at biglang may dumamba na kay Paray, agad na dinisarmah­an ito at tinanggala­n ng magasin ng bala ang pistolang nakuha sa kanya.

Nagkagulo ng ilang minuto, may nakita akong armadong operatiba na nagtutok ng baril sa mga taga-media

na kinagagali­tan sa pagpuwesto sa kanilang kinalalagy­an.

Itinataboy na ng mga pulis ang mga kabaro ko, lalo na ang mga “maniniyut” matapos nilang gamitin upang makumbinsi ang hostage-taker na bumaba, iwan ang mga hostage at granada para sa inihanda nilang “press conference”!

“Betcha by golly wow” naman – maraming taga media ang nagulat nang malaman nilang armado pa pala si Paray ng automatic pistol nang iharap sa kanila.

Sadyang “binulag”ba ng PNP at kampo ni Mayor Francis M. Zamora ang mga taga-media?

‘Wag nang gamiting palusot na ‘di ninyo (PNP at Mayor Zamora) alam na armado pa pala ang hostage-taker dahil lalo lamang kayong mababaon sa kapalpakan na ito.

Todo dasal ko na ‘wag atakihin nang matinding pagkaburyo­ng si Paray ng mga sandaling ‘yon, dahil kung nagkataon, dadanak ang dugo ng mga kabaro ko sa media dahil sa kakulangan ng wastong kaalaman sa “hostage negotiatio­n” ng mga kinauukula­n.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines