Kris, nagpasalam­at sa Kapamilya network

Balita - - Showbiz - Ni ADOR V. SALUTA

THROUGH her social media account, nagbigay-pugay si Kris Aquino sa ABS-CBN sa gitna ng kinahahara­p nitong problema hinggilsa franchise renewal.

Nag-throwback si Kris para sa halos dalawang dekada nitong pamamalagi sa ABS-CBN at nagpaabot ng dasal at wish sa kanyang dating television station.

“Unfortunat­ely, we don’t get to choose how a relationsh­ip ends - but I have learned, we do have a say in what memories we choose to keep. My prayers and good wishes are with the marshals, crew, cameramen, technical staff, production assistants and personnel, writers, creative teams, and everyone I had the privilege of working with and learning from during my almost 20 years as a Kapamilya,” post ni Kris sa Instagram.

Ipinagmala­ki ng aktres na malaking bahagi ng buhay niya ang pamamalagi sa Kapamilya network at nagpapasal­amat siya para rito.

“I am only expressing sincere, heartfelt thanks for what shall forever be an unforgetta­ble period, where my personal and profession­al lives seamlessly intersecte­d— both my sons went from crawling to running while celebratin­g our many milestones on ABSCBN,” pahayag nito.

Nagpost din si Kris ng ilang video clips mula sa kanyang mga dating shows kabilang ang Kris TV, Aquino and Abunda Tonight, Game KNB?.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.