Balita

Sekyu ni Sarah, nagdemand ng R1.5 M

‘SINABIHIN’ NI MOMMYDIVIN­E NA ‘WAG MAKIPAG-AREGLO

- Matteo at Sarah Nitz Miralles

NEGATIVE ang dating sa tao sa nalamang humingi ng P1.5M ang security ni Sarah Geronimo na si Jerry Tamara para hindi na siya magdemanda sa diumano’y panununtok ni Jerry sa kanya ni Matteo sa leeg.

Sinamahan ni Raffy Tulfo si Jerry na nakipagusa­p kay Mr. Vic del Rosario sa Viva office, nag-one-on-one ang dalawa. Ang sabi ni Boss Vic, nag-counter offer siya na magbibigay ng P100,000 na tinanggiha­n ni Jerry.

Gusto ni boss Vic na maayos na ang kaso ni Jerry kay Matteo dahil si Sarah ang naapektuha­n. Hindi pa nga raw naayos sina Sarah at inang si Mommy Divine, dumadagdag pa siya.

Nang tanungin ni Raffy kung totoong humingi siya ng ganoon kalaking halaga, ang sagot ni Jerry, kailangan niya ng panibagong panimula.

Sa muling pag-uusap nina Raffy at Jerry, pinaalalah­anan ng una ang huli na hindi nagpapagam­it ang Raffy Tulfo in Action sa aregluhan ng pera. Sabi ni Jerry, pag-iisipan muna niya ang lahat at pumayag na wala ng perang kapalit basta humarap lang sina Matteo at Sarah sa kanya. Ang request pa ni Jerry, makipagkam­ay at mag-sorry sa kanya si Matteo na mapapanood sa TV5. Malabo itong mangyari dahil sa ABSCBN lumalabas ang magasawa.

Ang nakakaloka, inamin ni Jerry na sinabihan siya ni Mommy Divine na ‘wag makipagayo­s kay Matteo at idaan sa proseso. Sabay tanggi na nadidiktah­an siya ng nanay ni Sarah.

Patuloy si Raffy, nang kontakin niya si Jerry noong February 28, umiwas na ito sa kanya. Nang mag-text sa kanya si Jerry, sinabi nitong nagkaayos na sila ng Viva at nalaman ni Raffy kay Jay Monteliban­o ng Viva Communicat­ions na pumayag magpaaregl­o si Jerry kapalit ng P200,000.

Nag-text si Jerry kay Raffy na nagpasalam­at sa tulong nito sa kanya. Kaya kinu-consider ni Raffy na case closed na ang kasong ito. Naku, ano kaya ang masasabi dito ni Mommy Divine?

Tanong ng netizens, bakit laging nakaface mask si Jerry tuwing humaharap kay Raffy? Naka-face mask din ito nang humarap kay Boss Vic. Ang dami niyang face mask, hindi siya nauubusan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines