Shamcey tinimbang ang 2 mahalagang pageant criteria

Balita - - Showbiz - Ni ROBERT R. REQUINTINA

ANO ang mas mahalaga sa isang patimpalak, beauty or brains? Kung si Miss Universe Philippine­s National Director Shamcey Supsup-Lee ang tatanungin nito, parehas ang kanyang isasagot. “I would tell the girls during training that if you would be asked that question, you have to choose just one. But we’re not in a pageant so I will say both,” pahayag ni Shamcey sa isang exclusive interview sa party para sa mga winners ng Mutia Ti La Union 2020 beauty pageant na ginanap sa La Union.

Ayon kay Shamcey:”You don’t really have to choose just one because it goes hand-in-hand.and it complement­s each other so it’s very important na pareho.” “In life, parehong may pros and cons eh. If you have beauty, there are things that we can achieve na hindi kakayanin kung matalino ka lang. But if you are also intelligen­t, hindi naman puwede na puro ganda lang. Pero pag-pinagsama mo iyon, you are unstoppabl­e. You are phenomenal,” sagot ng former beauty queen.

Ibinahagi rin ni Shamcey na excited na siya para sa broadcast partner ng MUP. “We will announce (our broadcast partner) in a few days but I think we already have. Kailangan platsado muna lahat before we announce our broadcast partner.”

Aminado naman si Shamcey na naiiilang pa rin siya kapag tinatawag siyang madam ng mga pageant fans.

“Long before I was appointed as national director for MUP, tinatawag na nila ako ng madam. Biruan na namin ‘yun ng mga make-up artist, stylist, and fashion designers. I call them madam and they also call me madam,” pagkukuwen­to niya. “Now sinasabi nila, ‘nagkatutoo na yung mga jokes natin.’ Then ako naman ‘what?” dagdag pa niya. “It’s not just me (they call madam). We call one another madam.” “But I always say there will be only one madam. and that’s gonna be Madam Stella (Marquez de Araneta). Sa kanya lang ‘yun,” anito.

Nang matanong kung ano ang gusto niyang itawag sa kanya:: “Miss Shamcey or Shamcey? That will be fine.”

Si Shamcey ang Miss Universe Philippine­s 2011 sa ilalim ng Binibining Pilipinas at nagwagi ng 3rd runner-up sa Miss Universe pageant na ginanap sa Brazil.

Ang winner ng 2020 Miss Universe Philippine­s, ang magiging kinatawan ng bansa sa 69th Miss Universe beauty pageant later this year.

Kamakailan lamang ay sumabak sa isang runway challenge ang 51 official candidates of 2020 Miss Universe Philippine­s sa Bonifacio Global City”We have scheduled more challenges for the candidates.”

Shamcey

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.