‘I Love Me’ ni Demi Lovato sa Biyernes na

Balita - - Showbiz - Ni NOREEN JAZUL

ILALABAS na ni Demi Lovato ang kanyang bagong kanta, na may titulong I Love Me ngayong Biyernes.

“Couldn’t keep it a secret any longer!!! My new single #ILoveMe is out on Friday,” anunsiyo ni Demi sa kanyang social media pages nitong Martes.

Ang bagong kanta ang ikalawang song ni Demi na ilalabas ngayong taon kasunod ng Anyone, ang ballad song na itinanghal niya sa 62nd Grammy Awards.

Taong 2017 pa huling naglabas ang singer ng music project, ang

Tell Me You Love Me, kung saan kasama ang hit song na Sorry Not

Sorry.

Last year, lumagda ng kontrata

si Demi sa Scooter Braun, ang namamahala rin sa mega pop stars

na sina Justin Bieber at Ariana Grande.

Demi

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.