Violinist Ryu Goto, kanselado ang performanc­e dahil sa COVID-19

Balita - - Showbiz -

INANUNSIYO na ng Philippine Philharmon­ic Orchestra na hindi na makapagtat­anghal si Japanese violinist Ryu Goto kasama ang CCP resident orchestra company sa konsyerto ngayong Marso 13.

Dahil sa patuloy na banta ng corona virus outbreak, nagdesisyo­n si Goto na ipagpaliba­n muna ang lahat ng kanyang performanc­es sa Asia. Ayon sa kanyang manager na si, Setsu Goto, nakatangga­p sila ng announceme­nt mula sa kanilang pamahalaan na kanselahin ang mga events na maaaring daluhan ng maraming tao, tulad ng party, gatherings at concerts.

Sa naging anunsiyo, naghahanap na ngayon si Maestro Yoshikazu Fukumura, PPO music director, ng papalit para sa featured guest soloist para sa March series concert.

“We will inform you of the changes as soon as we get confirmati­on from Maestro Fukumura and the soloist,” pahayag ni PPO orchestra director Eugene De Los Santos DMA.

Ryu

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.