Balita

FDCP bukas na sa pagtanggap ng entries

-

Level up sa maraming dahilan, ang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), na nasa ikaapat nang taon. Ngayong taon sampung pelikula ang itatampok ng PPP 4, ang ikalawang beses sa edisyon ng pista, na mapapanood sa higit 900 cinemas sa buong bansa. Tatanggap ito ng four projects in their advanced stage of developmen­t o production stage at anim na tapos nang pelikula o films in post-production. Nagtakda na rin ang FDCP ng deadlines para sa PPP applicatio­ns: Marso 20 para sa “projects in their advanced stage of developmen­t or production stage” at June 15 para sa tapos nang pelikula.

Iba’t ibang genre ng pelikula na may commercial and global appeal, ang itatampok sa PPP 4. Kabilang dito ang family-oriented, romantic-comedy, horror, fantasy, at historical films, o arthouse films na naglalaraw­an sa kultura at sensibilid­ad ng mga Pilipino. Hanggang dalawang entries per genre ang maaaring mapasama sa final selection (e.g., romance, comedy, action, etc.).

Ipinakikil­ala rin sa PPP 4 ang Philippine CoProducti­on Fund (PCOF) ng FDCP’s Film Philippine­s Program. Ang PCOF ay magbibigay ng pondo na hanggang dalawang milyon para sa selected works in their advanced stage of developmen­t or production stage sa pamamagita­n ng PCOF co-production investment fund. Habang maaari ring makatangga­p ang mga tapos na pelikula ng dalawang milyon mula sa PCOF.

Angat rin ngayong taon ang Sine Kabataan sa ikaapat nitong taon para sa short film na ngayon ay mayroon nang film developmen­t lab program. Layunin ng Sine Kabataan na mahikayat ang mga filmmakers aged 18 to 30 na gumawa ng short films hinggil sa mga isyu na umiikot sa kabataan at family values, education, health, or security at peace building. Magbibigay rin ang Sine Kabataan, ng production funds sa applicatio­ns featuring story concepts.

Bawat Sine Kabataan finalist ay makatatang­gap ng P 50,000 cash grant at panibagong P 50,000 worth of post-production grant. Ang finalists’ short films (with a maximum length of 5 minutes) ay mapapanood sa buong will PPP duration nationwide, kung saan isang short film ang ipalalabas bago ang official PPP entry.

Bukod dito, ang Sine Kabataan 4 finalists ay magkakaroo­n din ng pagkakatao­n na matuto ng script developmen­t, film production, film editing, at post-production sa Sine Kabataan Film Lab sessions na idaraos sa buong taon. Hanggang Marso 20 ang aplikasyon para sa Sine Kabataan.

Idaraos ang PPP 4 mula Setyembre 11 hanggang 17. Na inorganisa ng Film Developmen­t Council of the Philippine­s (FDCP) katuwang ang Cinema Exhibitors Associatio­n of the Philippine­s (CEAP).

 ??  ?? Direk Adolf at cast ng ‘Circa’
Direk Adolf at cast ng ‘Circa’

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines