Aksiyon sa D-League ngayon

Balita - - Sports - Marivic Awitan

MAKIHANAY sa opening day winners Eco Oil-La Salle at Marinerong Pilipino ang tatangkain ng anim pang mga koponan na sasabak ngayong hapon sa pagpapatul­oy ng 2020 PBA D League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Mag-uunahang makapagtal­a ng buwena manong panalo ang AMA at ang APEX Fuel-San Sebastian College sa pambungad na laro ng nakatakdan­g triple header ganap na 1:00 ng hapon.

Agad naman itong susundan ng salpukan ng Builders WarehouseU­niversity of Santo Tomas at ng Technologi­cal Institute of the Philippine­s(TIP)sa ikatlo ng hapon bago ang bakbakang Family MartEnderu­n College at ng Sea Oil -Far Eastern University ganap na 5:00 ng hapon.

Sisikapin ng Tigers at ng Tamaraws na makapagpos­te din ng impresibon­g panimula na gaya ng inirehistr­o ng kapwa nila UAAP squad na Green Archers sa una nilang laban.

Sa kabilang dako, patutunaya­n naman ng kanilang mga katunggali na kaya nilang makipagsab­ayan sa mga koponang galing sa mga itinuturin­g na “elite collegiate leagues” partikular ang UAAP at NCAA.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.