Balita

Davao CocolifeTi­gers, mabangis sa MPBL

-

DAVAO CITY – Kapwa nagbakod ng matibay na depensa ang magkaribal na Davao at Zamboanga, ngunit sa huli mas nanaig ang bangis ng Davaoeno Tigers.

Nalusutan ng South leader Davao Occidental Cocolife ang Zamboanga Family’s Brand Sardines sa low-scoring match, 47-28, sa Game 1 ng kanilang best-of-three semifinal duel nitong Lunes sa 2020 Chooks-to-Go MPBL Lakan best-of-three semifinals sa RMC Petrogazz Arena dito.

Nalimitaha­n ng Tigers ang Zamboanga sa single digit output sa first, second at fourth quarters para maitakas ang panalo at makauna sa maigsing serye.

“I have never seen anything like this as a coach, or even as a player so I got to give it to my coaching staff - they did a good job scouting - and of course to the players,” pahayag ni Tigers head coach Don Dulay.

Markado ang naturang lari kung saan naitala ang pinakamaba­bang pinagsaman­g puntos sa kasaysayan ng liga sa 75 para lagpasan ang 92 puntos na napagsama ng Marikina at Cebu sa Datu Cup.

Naitla rin ng Family’s Brand Sardines ang pinakamaba­bang team output na 28 puntos, kumpara sa 42 ng Marikina.

Nakalusot din ang No.3 ranked na Basilan-Jumbo Plastic sa botong 77-73 kontra

“I just told the boys to stay composed and to continue what we’re doing right which is to put pressure on the ball,” said Basilan head coach Jerson Cabiltes.

Tanging si Emman Calo ang nakaiskor ng double-figures na may 12 puntos at pitong rebounds, habang kumana si Billy Ray Robles ng walong puntos at anim na rebounds.

Nanguna si Leonard Santillan sa Zamboanga na may walong puntos.

Target ng Davao na tapusin ang serye para makausadx sa South Division finals sa Biyernes (Narsi 6) sa Strike Gym in Bacoor, Cavite.

Iskor:

Davao Occidental-Cocolife (47) - Calo 12, Robles 8, Mocon 7, Balagtas 5, Terso 5, Albo 3, Custodio 2, Raymundo 2, Gaco 2, Saldua 1, Dumagan 0, Adormeo 0.

Zamboanga-Family’s Brand Sardines 28 - Santillan 8, De Vera 5, Pasaol 4, Roño 4, Asistio 3, Ignacio 2, Arboleda 2, Thiele 0, Black 0, Morido 0, Argamino 0, Villamor 0, Reyes 0, Bonsubre 0.

Quartersco­res: 11-5, 19-11, 35-23, 47-28.

(Ikalawang Laro)

Basilan-Jumbo Plastic (77) -- Bulanadi 23, Gabo 13, Dagangon 8, Dumapig 6, Collado 5, Sorela 5, Bringas 4, Daa 3, Manalang 2, Palencia 2, Uyloan 2

Bacoor City (63) -- Sumalinog 10, Demusis 8, Ramirez 8, Pangilinan 8, Cañete 6, Mabulac 6, Banal 6, Melencio 4, Montuano 2, Aquino 1, Acuña 0

Quartersco­res: 16-14, 35-26, 54-51, 77-63

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines