Balita

Aksiyon sa UAAP volleyball

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (MOA Arena) 9:00 am UST vs. NU (m) 11:00 am UST vs. NU (w) 2:00 pm Ateneo vs. UP (m) 4 pm Ateneo vs. UP (w)

MAGSISIMUL­A ang kani-kanilang kampanya ang defending women’s champion Ateneo de Manila at ang last season losing finalist University of Santo Tomas sa pagsalang nila sa magkahiwal­ay na laban ngayong hapon sa pagpapatul­oy ng UAAP Season 82 Volleyball Tournament sa MOA Arena.

Mauunang sumalang ang Tigresses na makakatung­gali ang National University Lady Bulldogs sa ikalawang laban ganap na 11:00 ng umaga kasunod ng unang bakbakan sa pagitan ng UST Tigers at ng reigning men’s titlist Bulldogs ganap na 9:00 ng umaga.

Sasabak naman ang Lady Eagles sa tampok na laro ganap na 4:00 ng hapon kontra sa University of the Philippine­s Lady Maroons pagkatapos ng ikatlong laban sa pagitan ng Blue Eagles at ng Fighting Maroons ganap na 2:00 ng hapon.

Inaasahan ni coach Oliver Almadro upang mamuno sa pagbubukas ng title retention bid ng Lady Eagles sina veteran hitters Kat Tolentino, ang nagbabalik na si Jhoana Maraguinot at dating high school standout Faith Nisperos.

Makakatuwa­ng naman nila at magmamanio­bra ng kanilang opensa si Jamie Lavitoria na syang magsisilbi nilang setter kapalit ng injured nilang playmaker na si Deanna Wong.

Hindi naman magpapadeh­ado na lamang ang UP na magpupursi­ging umabot ng kampeonato sa pangunguna nina Tots Carlos, Isa Molde, Jesma Ramos at Justin Dorog buhat sa kabiguan nilang umabot ng Final Four noong nakaraang taon kung saan tumapos silang panglima hawak ang rekord na 6-8, panalo-talo.

Mauuna rito, mainit ding salpukan ang inaasahan sa pagitan ng Tigresses at Lady Bulldogs na hangad namang makabawi mula sa kanilang 6th place finish noong nakaraang taon.

Nawala man ang nagsilbing “heart and soul” ng koponan na nagbalik sa kanila noong nakaraang taon pagkaraan ng ilang dekada sa finals, determinad­o ang UST na makapag back-to-back appearance sa finals sa pangunguna ni last season top rookie Eya Laure, Imee Hernandez at Janna Torres kasama ang nagbabalik na si EJ Laure.

Sa kabilang dako, sasandigan naman ng NU ang balik aksiyon ding si Risa Sato at ang kanilang Congolese player na si Margot Kabasu.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines