Presyo ng bigas, inaasahang bababa

Balita - - News - Beth Camia

Umaasa ang National Economic and Developmen­t Authority na bababa pa sa P34 ang presyo ng bigas kada kilo ngayong taon dahil sa umiiral na Rice Tarrificat­ion Law (RTL).

Sa economic briefing sa Malacañang, sinabi ni NEDA Assistant Secretary Mercedita Sombilla na ang P36.53 per kilo na naitala nila noong Enero, ang pinakamaba­bang naging presyo ng bigas simula noong 2013 na P33.70 bawat kilo.

Sinabi ni Sombilla na alam nilang mayroong mga factors ang makakaapek­to sa nais nila na P34 kada kilo, tulad na lamang ng world market trend at posibleng crisis sa mga importer ng bigas sa bansa, tulad ng Vietnam at Thailand.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.