PUBs, pwede nang mag-aplay ng special permits sa Holy Week

Balita - - News - Ni MARY ANN SANTIAGO

Inianunsiy­o ng Department of Transporta­tion (DOTr) na maaari nang mag-aplay ng special permits para sa espesyal na biyahe sa Mahal na Araw ang mga Public Utility Buses (PUBs) sa bansa.

Ito’y base na rin sa inilabas na iskedyul ng Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB) para sa paghahain ng petisyon sa pagbibigay ng Special Permits sa PUBs para sa 2020 holidays.

Nabatid na para sa Mahal na Araw, sinimulan ng LTFRB ang pagtanggap ng aplikasyon para sa special permit ng mga PUBs noon pang Marso 2 at inaasahang magtatagal ito hanggang sa Marso 13, 2020.

Samantala, ang pagkuha ng special permit para sa Undas 2020 ay itinakda ng LTFRB mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 9, 2020 habang Nobyembre 23 hanggang Disyembre 11, 2020 naman para sa Christmas 2020.

Kaugnay nito, pinaalalah­anan naman ng DOTr ang mga interesado­ng aplikante na bago maghain ng petisyon ay dapat munang kumpletuhi­n ang kanilang mga requiremen­ts at mga kondisyong itinatakda ng

LTFRB.

Maaari ng isumite ng mga ito ang kanilang kumpletong requiremen­ts sa Window 9 ng LTFRB Central Office sa Quezon City sa mga nabanggit na petsa sa itaas.

Kabilang naman sa mga dokumento na kailangang isumite ang verified petition ng PUB, latest registrati­on o OR-CR, franchise verificati­on, updated na personal passenger insurance at ispesipiko­ng address ng mga terminals (sa magkabilan­g terminal) para sa inaaplayan­g ruta.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.