290-M estudyante apektado ng COVID-19

Balita - - News -

Halos 300 milyong mga mag-aaral sa buong mundo ang naharap sa ilang linggong pananatili sa bahay nitong Huwebes at ang Italy ang pinakabago­ng bansa na nagsara ng mga paaralan dahil sa nakamamata­y na bagong coronaviru­s o COVID-19, habang hinimok ng IMF ang all-out, global offensive laban sa epidemya.

Mahigit sa 95,000 katao ang nahawahan at mahigit sa 3,200 ang namatay sa buong mundo mula sa virus, na ngayon ay umabot sa 80 bansa at teritoryo.

Ang karamihan sa mga pandaigdig­ang pagkamatay at impeksyon ay nasa China, kung saan unang lumitaw ang virus sa huling bahagi ng nakaraang taon.

Habang kumalat ang virus, ang ibang mga bansa ay nagpatupad din ng mga pambihiran­g hakbang, at sinabi ng UNESCO nitong Miyerkules na 13 mga bansa ang nagsara ng mga paaralan, na nakakaapek­to sa 290.5 milyong mga bata, habang siyam na iba pa ang nagpatupad ng mga localised closures.

Habang ang pansamanta­lang pagsasara ng paaralan sa panahon ng mga krisis ay hindi bago, sinabi ni UNESCO chief Audrey Azoulay g punong UNESCO na si Audrey Azoulay na, ‘’the global scale and speed of the current educationa­l disruption is unparallel­ed and, if prolonged, could threaten the right to education.’’

ECONOMIC THREAT

Ang epekto ng virus ay kumalat higit sa supply chains - kabado ang stock markets sa pagtindi ng mga babala mula sa financial bodies na ang mga bansa ay maaaring itulak sa recession.

Sinabi ng IMF na ang epidemya ay nagbabadya ng ‘’serious threat’’ at pababagali­n ang global growth nang mas mababa kaysa 2.9 porsiyento noong nakaraang taon.

‘’At a time of uncertaint­y... it is better to do more than to do not enough,’’ sinabi ni IMF chief Kristalina Georgieva.

Ang epidemya ay isang ‘’global problem calling for global response,’’ aniya.

PANIC BUYING Samantala, nauubos ang toilet rolls, hand sanitiser at surgical masks saanman mula sa Japan hanggang France hanggang Australia hanggang sa United States sa pag- panic buying ng mga tao sa buong mundo kaugnay ng coronaviru­s, sinuway ang paulit-ulit na panawagan na maging kalmado at ‘wag gambalain ang supply chain.

Sinabi ng psychologi­sts na ang mix of herd mentality at over-exposure sa coverage ng virus ang dapat na sisihin.

‘’We might be less irrational if we weren’t being reminded so much of the potential dangers by the news,’’ sinabi ng London-based consumer psychologi­st na si Kate Nightingal­e sa AFP.

‘’We either avoid the topic or we go completely nuts and stock up on anything we might just need.’’

VIRUS SHIP SA CALIFORNIA Libu-libo ang na-stranded sa isang cruise ship mula sa baybayin ng California nitong Miyerkules dahil sa takot sa bagong coronaviru­s matapos magkaroon ng mga sintomas ang mga pasahero at mga miyembro ng tripulante na nakasakay dito.

Inantala ng mga opisyal ang pagbabalik ng Grand Princess sa San Francisco noong Miyerkules ng gabi mula sa Hawaii upang magsagawa ng pagsubok sakay nito para sa mga potensyal na mahawahan.

Isang 71-anyos na lalaki na nakasakay sa parehng barko sa nagdaang paglalakba­y nito sa Mexico ang namatay matapos mahawaan ng COVID-19, ang unang namatay sa California, sinabi ng operator na Princess Cruises at ni California Governor Gavin Newsom.

‘’So we’re holding that ship, which (has) thousands of passengers as well, off the coast, and we’ll be conducting those tests,’’ sinabi ni Newsom sa press conference.

Sakay ng barko ang 2,500 pasahero at crew, sinabi ni Newsom. Ayon sa website ng kumpanya, ang barko ay mayroong 1,150 crew.

Ang Grand Princess ay kabilang sa Princess Cruises, ang parehong kumpanya na nagpapatak­bo sa coronaviru­s-stricken ship na naquaranti­ne sa Japan noong nakaraang buwan kung saan mahighit 700 kataong sakay nito ang nauring positibo sa COVID-19.

Hindi bababa sa anim na mga tao na naospital pagkatapos maalis sa Diamond Princess ay namatay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.