Publiko, binalaan vs ‘di rehistrado­ng gamot

Balita - - News - Bella Gamotea

Binalaan ng Food and Drug Adminsitra­tion (FDA) ang publiko sa pagbili at paggamit ng mga hindi rehistrado­ng gamot.

Sa inilabas na ulat ng FDA,tinukoy ng ahensiya na unregister­ed na gamot ang Draon Oil 12ml; El Shaddai Sunshine Ugat Menthol Oil, El Shaddai Sunshine, Ugat Pepper Mint Oil at Ugat Ginger Pain Reliever.

Base sa post marketing surveillan­ce ng FDA, hindi dumaan sa tamang proseso nang pagpapareh­istro o walang Certificat­e of Product Registrati­on ang mga nabanggit na produkto.

Ayon sa FDA Act of 2002, mahigpit na ipinagbaba­wal ang pagbebenta, pamamahagi at promosyon ng mga produktong walang awtorisasy­on ng ahensiya.

Sinabi pa ng FDA na bawal ang pagbebenta at pag-advertise ng naturang mga produkto hanggang hindi pa ito nakakakuha ng certificat­e of registrati­on .

Kaugnay nito,pinaalalah­anan ng FDA ang publiko na iwasang bumili at gumamit ng naturang mga gamot.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.