PUJ, sumalpok sa truck; 2 patay

Balita - - News - Mary Ann Santiago

Patay ang dalawang pasahero habang sugatan ang may 19 iba pa, nang bumangga ang isang pampasaher­ong jeepney sa isang nakaparada­ng dump truck sa Barangay dela Paz, Pasig City kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan ang mga pasaherong sina Joseph Andaya Amor, 45, contractor at residente ng Caloocan City at si Jenny Ann Colinares Clarino, 21, estudyante, at residente ng Lot 4, Block 22, Atis Street, Barangay Nagpayong, Pasig City.

Samantala, sugatan naman ang iba pang mga pasahero na sina Dennis Pelingon Arguelles, 46; Sharia Enrico Uraba, 21, accounting staff; Shiela Mae Maranta Borin, 31; Mary Grace Dapitan Garcia; Joniel Cenas Bucol, 26, distributi­on staff; Al Bolanio Castillo, 36, jeepney conductor; Jermaine Anne Penalver Balagsa, 26; Justine Grace Vito, 24; Ryan Bulaong, 26; Almodiel Bryan, 24; Carl Jenskie Tejada, 21; Edison Balaba, 22; Maricel Nava, 29; Dennis Ardilles, 45; John Menard Arambalo, 27; Jennylad Bolilad, 22; Sangie Ahlen Aguyo, 25; at Princess Dianne Loto, 24, gayundin ang driver ng jeepney na si Jay-R Labitag, 28, residente ng Monique Valais, Binangonan, Rizal.

Sa report ng Pasig City Police, dakong 11:25 ng gabi nang maganap ang aksidente sa westbound lane ng Marcos Highway, harapan ng Ayala Mall Feliz, sa Barangay Dela Paz.

Nauna rito, minamaneho ni Labitag ang isang Isuzu passenger jeepney na may plakang TVJ-443 sa Marcos Highway, mula Antipolo City patungong Cubao, Quezon City, nang mabangga nito ang isang nakaparada­ng Sino dump truck , na minamaneho ni Crisanto Salvador, 49, ng San Rafael, Rodriguez, Rizal, at sinasabing illegal ang pagkakapar­ada at wala ring anumang safety precaution device.

Dahil sa tindi ng impact nang pagkakaban­gga ay binawian ng buhay sina Amor at Clarino habang nasugatan naman ang iba pang pasahero, maging ang driver ng jeep na si Labitag.

Sinasabing may iniwasan umanong sasakyan ang driver ng jeep ngunit hindi niya napansin ang nakaparada­ng truck kaya’t nabangga ito.

Napaulat naman na nakahimpil ang dump truck sa highway dahil sumabog ang isa sa mga gulong nito.

Iniimbesti­gahan pa ang kaso.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.