Retired Army, todas sa bisikleta

Balita - - News - Mary Ann Santiago

Isang retiradong sundalo ang nasawi nang mabangga ng bisikleta habang tumatawid sa Barangay Marilaque sa Tanay, Rizal, nitong Miyerkules.

Kinilala ang biktima na si Ruben Muhi, nasa hustong gulang, at tagaMarila­que Highway, Purok II, Barangay Sampaloc, Tanay habang arestado naman ang suspek na si Rolando Tacadino, nasa hustong gulang, driver, at taga-Zone II,

Townsite Subdivisio­n, Barangay Sampaloc, Tanay.

Naiulat ng Tanay Municipal Police Station, ang aksidente ay naganap sa Marilaque Highway sa Barangay Sampaloc, dakong 10: ng umaga.

Sa imbestigas­yon ng pulisya, tumatawid ang biktima sa naturang highway nang bigla na lang itong mabangga ng suspek, na sakay naman ng kanyang bisikleta at binabaybay ang naturang lugar patungo sa direksiyon ng Laguna.

Kaagad na isinugod ang biktima sa Army Station Hospital, Camp Capinpin, Barangay Sampaloc upang malapatan ng lunas ngunit dahil matindi ang sugat na tinamo nito, kinailanga­n siyang ilipat sa V. Luna Hospital kung saan ito nasawi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.