Iba sina dating CJ Puno at Panganiban sa panahon ngayon

Balita - - Opinyon - Ric Valmonte

NA

SUBAYBAYAN ko ang panayam kay dating Chief Justice Artemio Panganiban sa ANC. Ayon sa kanya, ang desisyon sa kasong Associated Communicat­ions & Wireless Services United Broadcasti­ng Networks vs. National Telecommun­ication Commission (NTC) ay

hindi pwedeng magamit laban sa nais mangyari ng Kongreso na magpatuloy ang ABS-CBN sa kanyang operasyon base sa permisong ibibigay ng NTC habang pinag-uusapan nito ang pagpapanib­ago ng prangkisa nito. Lumiham na si Chairman Alvarez ng House Committee on legislativ­e franchise sa NTC na nagpapahin­tulot dito na mag-isyu ng pansamanta­lang lisensya sa ABS-CBN. Aprobado ni Speaker Cayetano ang liham. Samantala, gumawa na ng concurrent resolution ang Senado na kasama ang Kamara na ang layunin ay tulad ng liham ni Alvarez sa NTC. Nauna nang sinabi ni dating Chief Justice Puno na kapag walang prangkisa ang television station, kailangan tumigil ito ng operasyon kahit may lisensiya itong nakuha sa NTC. Iba ang Associated Communicat­ion, ayon kay Panganiban, sa ABS-CBN. Ang Associated Communicat­ion, aniya, ay nag

operate nang walang prangkisa kundi permiso lamang sa NTC, samantalan­g ang ABS-CBN ay mayroon na. Kaya, pwede iyong nakagawian na ng Kongreso na bigyan ng otoridad ang NTC para mag-isyu ng pansamanta­lang permiso sa media network habang nakabimbin ang prangkisa nito.

Ayon din kay dating CJ Panganiban, dapat idismis ng Korte Suprema ang quo warranto na isinampa ni Solgen Jose Calida na nagpapawal­ang-saysay sa prangkisa ng ABSCBN. Sa kaso ni dating Chief Justice Sereno, aniya, kaya naging epektibo ang quo warranto, ayon din mismo sa Korte, ay hindi kwalipikad­o maging mahistrado si Sereno sanhi ng hindi niya naisumite nang kompleto ang kanyang SALN. Pero, kung naging kwalipikad­o na siya at ang hindi niya pagsusumit­e ng SANL ay nang nakaupo na siya, impeachmen­t ang proseso.

Eh ang ABS-CBN ay may prangkisa na at ang pagpapanib­ago lamang nito ang nakabimbim sa Kongreso. Kaya, kung magiging tapat ang Korte Suprema sa ginawa nito kay Sereno, dapat ibasura na ang quo warranto laban sa ABS-CBN.

Ang problema, hindi lang isyung legal ang kaso ng ABS-CBN. Ang isyu ay nakakawing o nababaluta­n ng personal na galit at interes ng mga pinagtanga­n ng mamamayan ng kanilang kapangyari­han. At ang panahon nina dating CJ Puno at Panganiban ay iba sa panahon ngayon ng Korte Suprema. Sa kasalukuya­ng rehimen, ginagamit na ang batas bilang armas para bweltahan ang kanyang mga kalaban. Lumipas na ang panahon nina Puno at Panganiban na nasa ibabaw sila ng kaguluhan at ginagamit nila ang talim ng kanilang pagiisip para mapanatili ang kapayapaan sa ilalim ng rule of law.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.