Fashion designers at ang kanilang kanilang first big celebrity breaks

Balita - - Showbiz -

NEW YORK (Reuters) — Para sa fashion designers ang maisuot ng isang major celerity ang kanilang mga damit ay maaaring agad na maglunsad sa kanila sa limelight.

Ang big break sa Badgley Mischka ay halos hindi nangyari matapos nilang ubusin ang kanilang mga ipon sa

peach lace gown na isinuot ni Winona Ryder sa Academy Awards noong 1996.

“It was a white lace dress the night before the Oscars and she wanted it to be blush colored. So, James and I had

to dip-dye it in the kitchen sink,” sinabi ni Mark Badgley, ginunita ang drama kasama ang partner niyang si James

Mischka.

Lumiit ang damit ng anim na pulgada, kayat napilitan ang designers na mag-isip ng malikhaing solusyon.

“We bought a first-class ticket to Los Angeles, first class for the gown, and we tied 22 Campbell’s soup cans around the hem. And by the time it got to L.A. that night it had stretched out and she wore it. It was beautiful on her,” sinabi ni Badgley.

Masayang naalala ni LaQuan Smith kung paano binago ng singer na si Lady Gaga ang trajectory ng kanyang brand noong 2010 nang isuot nito ang kanyang racy 3-D mesh leggings.

“Then Rihanna one month later pops up in the catsuit in the Rude Boy video,” aniya tungkol sa gold lame design. “And it was just like (a) domino effect.”

Naging bukambibig naman sa maraming tahanan ang

Japanese designer na si Tadashi Shoji matapos manalo ang aktres na si Octavia Spencer noong 2013 Oscar na suot ang isa sa kanyang kanang, at si Michelle Obama ay nagsuot ng ilan sa kanyang mga gawa habang nasa White House.

“I’m an immigrant from Japan and American First Lady is wearing my dress. It’s kind of a dream,” aniya.

Si Obama ay naging ‘game changer’ din noong 2012 para sa creative director ng Caroline Herrera na si Wes

Gordon, na nagsabing iyon ay “so, so exciting and incredible and surreal.”

Nag-apprentice si Naeem Khan para sa legendary designer na si Halston noong late 1970s, at nakatrabah­o ang ilan sa Hollywood’s biggest stars kabilang si Liza Minnelli nang siya ay 18 lamang.

“She was my first ever glamor experience,” ani Khan. Si Princess Diana ang first celebrity patron ng Irish designer Paul Costelloe, suot ang kanyang mga disenyo mula 1982 hanggang siya ay namatay noong 1997. “She was a wonderful ambassador for the brand,” sinabi niya, isinalaysa­y ang mga pagsusukat ng damit sa kanya sa Kensington Palace.

Si Princess Caroline ng Monaco ang tumulong sa paglunsad sa karera ng shoe designer na si Christian

Louboutin nang pumasok siya sa una nitong tindahan noong Nobyembre 1991.

“I used to call her my second fairy, because ... she had a huge impact,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.