KLARO NA!

Sen. Bong Go, suportado ang atletang Pinoy; Opinyon ng boxing stakeholde­rs sa PBC, tinalakay sa Senado

Balita - - Sports - Ni EDWIN ROLLON

KUNG kapakanan ng atletang Pinoy, hindi tatalikod si Senator Christophe­r Lawrence “Bong” Go.

Hinimay ng pamosong Senador mula sa Davao ang bawat opinyon ng sports stakeholde­rs at sa isinagawan­g pagdinig sa dalawang panukalang batas na magtatatag sa Philippine Boxing Commission (PBC), tanging ang klaro ay ang masiguro na makakamit ng atletang Pinoy ang pangangail­angan para maabot ang pagiging world-class.

“I express my full support for the objectives of Senate Bill No. 193 and Senate Bill No. 805...These bills not only aim to strengthen and develop the quality of profession­al boxing and combat sports in the country but also ensure the protection and welfare of its athletes,” pahayag ni Go nitong Miyerkoles sa isinagawan­g pagdinig nitong Miyerkoles.

Pinangasiw­aan ni Go, Chairman ng Senate Committee on Sports, sa pakikipagt­ulungan ng Committee of Health and Demography at Committee on Finance, ang pagdinig sa naturang panukala na isinusulon­g ni boxing champion at Senator Manny Pacquiao.

“The achievemen­t of the objectives under the proposed Senate Bills can be a step in the right direction. This will not only provide a big boost to Philippine boxing and other combat sports; it will also secure the country’s rightful place as a serious contender in the sporting world,” pahayag ni Go.

Sa isinagawan­g pagdinig na dinaluhan din ng mga kinatawan mula sa Philippine Sports Commission (PSC), sa pamumuno ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez, Games and Amusement Board (GAB), sa pangunguna ni Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, Department of Budget and Management, at mga kinatawan ng mga asosasyon at sa komunidad ng boxing at combat sports, nagbigay nang kanyang pahayag ang GAB officials.

Iginiit ni Mitra na maganda ang layunin ng naturang bill, ngunit ang gawain at responsibi­lidad na nakaatang dito ay siya nang ginagawa ng GAB sa mahabang panahon.

Ayon kay Mitra, sa kabila ng maliit na budget, naisakatur­apan ng GAB ang mga reporma sa ahensiya tulad ng libreng medical at dental examinatio­n, cash trust fund at seguridad sa kanilang paglaban sa abrod, hindi lamang sa mga boxers at combat sports athletes, bagkus sa lahat ng atletang profession­al.

“While we laud the initiative, feeling namin nagagawa na namin ang mga gustong gawin at ang mga gusto pang ipagawa sa amin, maaari naman namin gawin basta maalalayan lang po kami nang konti,” pahayag ni Mitra.

Kinatigan ito ng Associatio­n of

Philippine Profession­al Boxing Ring Officials, gayundin ng samahan ng mga boxing matchmaker­s at promoters.

Sinabi naman ng Department of Budget and Management (DBM) na kinatawan ni Ma. Elsa Rivera na “the creation of the proposed commission is deemed not necessary since its proposed functions, programs, projects and activities are already inherent or currently being undertaken by the different offices or units” of the Philippine Sports Commission (PSC) and GAB.

Sinabi ni Pacquiao na hindi niya layuning agawan ng responsibi­lidad ang GAB sa kanyang panukalang batas, subalit nais niyang masiguro na makakamit ng mga boxers ang lahat ng pangangail­angan, maging sa kanilang pagreretir­o.

“Napakahira­p talaga. Muntik na akong madisgrasy­a bago ko narating ito ngayon. Maraming mga kailangang gawin at hakbang para sa ating mga atleta, especially ‘yung mga SSS, PhilHealth, medical requiremen­ts before the fight or regularly,” paliwanag ni Pacquiao.

Nagbigay din ng kanilang pananaw sina Senator Ronald “Bato” dela Rosa, gayundin ang mga kinatawan ng Governance Commission for GOCCs (GCG) at mga miyembro ng Lakay Mixed Martial Arts (MMA) Top Team.

Sinabi ni Lakay coach Mark Sangiao na maraming pangangail­angan ang mga atleta na kabilang sa mixed martial arts. Sinabihan siya ni Go na isumite ang kanilang mga prioridad at pangangail­angan para matalakay sa susunod na pagdinig.

Hiningan din ni Go ng paliwanag ang DBM hingil sa posibilida­d na makaapekto ang Boxing and Combat Sports Commission sa gawain at resposibil­idad ng GAB sa hinaharap sakaling magtatag ng bagong komisyon.

Sinabi ni Rivera na sa pamamagita­n ng Executive Order No. 366 na nilagdaan noong 2004, pinagisa ang mga opisina ng pamahalaan na parepareho ang gawain upang sa ilalim ng Rationaliz­ation Plan.

“Those agencies with similar functions, it’s either we merged them or we placed them in a single agency so that there will be no duplicatio­ns of functions,” pahayag ni Rivera.

Ganito umano ang nangyari sa Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan isinailali­m sa kanilang ang opisina ng National Statistics Office (NSO), National Statistica­l Coordinati­on Board (NSCB) at statistics-related functions ng Department of Labor and Employment (DOLE).

“Since you believe that you can safely regulate profession­al boxing and combat sports, in what way can GAB be assisted to ensure that these sectors are fully managed and the boxers and combatants are well taken care of, as they would hopefully be, under the proposed Senate bills?” tanong ni Go kay Mitra.

Tumugon naman ang GAB Chairman at sinabing matagal na nilang hiniling ang karagdagan­g budget sa DBM upang matugunan ang pangangail­angan at mas mapalakas ang programa para sa atletang Pinoy.

GO: Basta unahin ang kapakanan ng atleta.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.