Pinoy Cuppers, asang makasilat sa tropa ni Tsitsipas

Balita - - Sports -

HAHARAPIN ng Team Philippine­s ang pamosong Greece, na pangunguna­han ni World No. 6 Stefanos Tsitsipas, sa Davis Cup World Group II playoff tie ngayon sa Philippine Columbian Associatio­n’s Plaza Dilao courts sa Paco, Manila.

Nakuha ni AJ Lim, 20, ang karapatan na hamunin si Tsitsipas matapos ang isinagawan­g draw nitong Huwebes. Nakatakda ang laro ganap na 10:00 ng umaga. Mapapalaba­n naman si Jeson Patrombon sa nakababata­ng kapatid ni Tsitsipas na si Petros.

Tunay na dehado si Lim laban sa makaranasa­n na si Tsitsipas, runnerup kay Novak Djokovic sa Dubai Open kamakailan.

Umaasa si Lim na magagamit niya ang suporta ng cword at ang marka na minsan ay nagapi niya si Tsitsipas sa doubles tournament noong junior days.

“It was in the past and very long time ago,” sambit ni Lim. “I will just give it my best when we play tomorrow (today).

Aminado naman si Tsitsipas na hindi dapat maliitina ng kakayahan ng Pinoy.

“We’ll just take it match by match,” pahayag ni Tsitsipas.

Makikipagt­uops naman sina Francis Casey Alcantara at Ruben Gonzales kina Petros Tsitsipas at Markos Kaloveloni­s sa doubles event bukas.

Sa reversed singles sina Lim at Patrombon muli laban sa magkapatid na Tsitsipas.

Ito ang unang pagkakatao­n na mapalaban ang Pinoy sa non-Asian country mula nang sumabak si Felix Barrientos at PH Team laban sa Sweden sa n World Group Qualifiers may 29 taon na ang nakalipas.

Ang magwawagi sa Group tie ay sasabak sa World Group II ties in September, habang ang mabibigo ay mahuhulog sa Regional Group III sa Hunyo.

IBINIDA ni bodybuildi­ng champion Rowena Walters ang nakalinyan­g mga torneo at programa para sa sports, habang nakikinig ang kapwa niya panauhin mula sa karate at basketball sa ginanap na TOPS (Tabloids Organizati­on in Philippine Sports) Usapang Sports kahapon sa NPC.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.