Lady Bulldogs, angat sa UST belles

Balita - - Sports -

MATIKAS na sinimulan ng National University ang UAAP Season 82 Women’s Volleyball campaign sa impresibon­g comefrom-behind win kontra University of Santo Tomas, 22-25, 25-23, 20-25, 25-20, 15-13, nitong Miyerkoles sa MOA Arena.

Hataw ang troika nina Margot Mutshima, Ivy Lacsina at Risa Sato para sa panalo ng Lady Bulldogs. Kumana si Mutshima ng 23 puntos, habang matibay na depensa ang inilatag nina Lacsina at Sato.

“’Yung game, ‘yung mga players kanina medyo nagibabaw pa ‘yung nebryos sa game. Medyo natagalan maka-recover that’s why naapektuha­n ‘yung skills namin sa passing sa mga ball control,” pahayag nu NU coach Norman Miguel.

“Tsaka siguro late na rin talaga nagconnect kailangan pa umabot sa dulo. So fourth set na kami totally nagconnect with each other. Nakuha na namin ‘yung rhythm after nu’ng fourth set, then finally nung fifth set yun na talaga yung nilalaro nila,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.