Baguhang aktor, umaattitud­e

Balita - - Front Page - Reggee Bonoan

SUMUSUMPA ang mga nakausap naming taga-production na ikinuwento na rin sa ibang kakilalang producer ang ugali ng baguhang aktor dahil sobrang magattitud­e.

“Akala mo kagaling-galing, e, wala naman acting, kaya lang napasama sa project kasi ni-request ng kakilalang artista at napapayag naman ang producer kasi nga maingay ang pangalan dahil napasama kay (aktor),” ito ang iritableng kuwento ng bossing ng production.

Nu’ng mga unang linggo ng shooting ng project ay masunurin pa si baguhang aktor kaya’t puring-puri siya ng lahat at sana hindi magbago kasi maayos makisama, pero simula raw nu’ng mapasama sa aktor ay nabago ang ugali na biglang 360 degrees na.

“Dati, laging maaga sa set, puring-puri nga ni direk, aba’y katagalan, late na? At hindi pa ayos ang mga gamit? Pinagdadal­a ng extrang damit at lahat naman required kahit mga bida na may pangalan.

“Alam mo ang katwiran niya (baguhang aktor), bakit daw nya kailangang magdala ng damit, e may stylist naman. Totoo naman talaga, pero iyon ay extra in case na hindi bumagay ang damit or something. Alam mo ‘yun?

“Kung sina (mga bidang artista) nga nagdala at automatic na sa kanila ‘yun, siya na kabagu-bago, may attitude kaagad? Hello, sino siya? May napatunaya­n na ba siya? E, sarili nga niyang pangalan hirap siyang i-pronounce!” dire-diretsong kuwento pa.

Oo nga, bakit nga ba nagkaganu’n na si baguhang aktor? Anyare? Pangarap niyang mag-artista dahil gusto niyang tulungan ang pamilya niya at para sa sarili na rin, e, bakit hindi niya pinagbubut­i ang trabaho niya? Uma-attitude kaagad sa mga taga-produksyon?

Tama naman din ang kuwento sa amin, wala nga kaming nakitang acting, hindi rin siya kaguwapuha­n para dagsain ng offers at hindi rin kagandahan ang audio para puwedeng puro voice over na lang sana niya kahit hindi na siya ipakita sa camera kasi nga hindi marunong umarte. E, pag ganyan boy, bumalik ka na lang sa pinanggali­ngan mo kung saan ka man nanggaling baka doon ka mas babagay.

Galit kami sa mga pasaway na artista dahil maraming pelikula na nga ang hindi kumikita ngayon at kawawa rin ang mga taga-produksyon at producers na sumusugal sa pelikula tapos may mga ganitong klaseng tao na hindi marunong makisama?

Pasalamat ang baguhang aktor na ito at hindi sina Direk Cathy Garcia-Molina, Rory Quintos, Joel Lamangan, Sigrid Andrea Bernardo, Joyce Bernal, Antoinette Jadaone at Olive ‘Inang’ Lamasan ang naka-trabaho niya or else baka natulala siya sa mga maririnig niyang komento.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.