Wi-fi at CCTV, ikinakabit sa iba’t ibang lugar sa Maynila

Balita - - News - Mary Ann Santiago

Patuloy ang pagsusumik­ap ng pamahalaan­g lungsod ng Maynila na mapagaan pa at maging ligtas ang pamumuhay ng mga Manilenyo, sa pamamagita­n ng magaganda at mga kapaki-pakinabang na proyekto at programang isinasagaw­a nito.

Ilan sa mga proyektong isinasagaw­a ngayon ng Manila City Government, sa pamumuno ni Manila Mayor Isko Moreno ay ang paglalagay ng mga wi-fi hotspots sa iba’t ibang lugar sa lungsod, gayundin ng mga closed-circuit television (CCTV).

Nabatid na kasalukuya­ng iniinstala ng pamahalaan­g lungsod ang mga wi-fi hotspots sa University Belt Area (UBA), mula sa kahabaan ng Espana Boulevard, hanggang sa boundary ng Maynila at Quezon City, para sa kapakinaba­ngan ng mga estudyante at mga residente doon.

Ayon kay Moreno, target nilang matapos ang instalasyo­n sa loob ng dalawang linggo.

Ininspeksi­yon kamakailan ng alkalde, kasama sina City Engineer Armand Andres at DPS Chief Kenneth Amurao, ang konstruksi­yon ng 34 wi-fi hotspots sa tapat ng University of Sto. Tomas sa Espana Boulevard, sa Sampaloc.

“Kahit naglalakad ka, always Konek, walang tosgas. Ty-Ty lang,” pahayag ng alkalde sa mga nakasalamu­hang estudyante.

Sa sandali matapos ang paglalagay ng libreng wifi sa mga nabanggit na lugar ay susunod na kakabitan ang Claro M. Recto Avenue.

Plano rin ng Manila City government na maglagay ng mga CCTV sa paligid ng UBA para sa kaligtasan ng lahat, partikular ng mga estudyante.

Ayon kay Moreno, libu-libong surveillan­ce cameras na may facial at plate number at conduction stickers recognitio­n ang plano nilang ilagay sa lungsod.

Sa pamamagita­n nito ay madali nilang matutukoy ang mga taong may criminal records sa Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigat­ion (NBI), at Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA), na magreresul­ta sa agarang pagkakadak­ip sa mga ito.

Nilinaw ni Moreno na hindi nila nais na labagin ang privacy ng mga mamamayan sa pamamagita­n ng paglalagay ng mga CCTV, na iinstala lamang nila sa mga pampubliko­ng lugar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.