Driver, arestado sa baril; bala

Balita - - News - Leandro Alborote

TARLAC CITY – Nasakote ng pulisya ang isang tricycle driver nang masamsaman ng baril at mga bala sa national highway ng Barangay San Sebastian ng naturang lungsod, kamakailan.

Sa ulat ni Patrolman Michael Catubig, may hawak ng kaso, kinilala ang suspek na si Albert Simeon, 32, binata, taga-Atioc, Barangay San Miguel, ng nabanggit na siyudad.

Sa police report, nakumpiska­han si Simeon ng cal. 38 revolver at mga bala nito sa isang operasyon sa nabanggit na lugar.

Sinita lamang umano ang suspek dahil sa pagmamaneh­o ng tricycle na walang dalang kaukulang papeles.

Sasampahan ang suspek ng illegal possession of firearms and ammunition.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.