Ateneo at UE, umiskor sa UAAP football

Balita - - Sports -

WALANG Jarvey Gayoso, Julian Roxas, at Jeremiah Rocha. Walang problema sa Ateneo booters.

Matikas na nakihamok ang Blue Eagles para makuha ang 1-1 draw laban sa University of the Philippine­s sa pagsisimul­a ng kanilang kampanya na maidepensa ang korona na wala ang tatlong prem,yadong graduate players nitong Huwebes sa UAAP Season 82 Men’s Football Tournament sa Rizal Memorial Football Stadium.

Naiskor ni midfielder Nino Herrea ang goal sa ika-83 minuto sapat para makabawi ang Blue Eagles matapos payagang makaiskor ang Maroons sa kaagahan ng second half.

“Of course, ang challenge for this ano yung magiging approach ng mga player ko? Can they step up talaga (kasi) marami nawala from last year,” sambit ni Ateneo coach Jay Pee Merida. “Nakikita ko yung boys na they pushed themselves to give their best sa game na yun.”

Samantala, ginapi ng University of the East ang Adamson University, 3-2.

Umabante ang Recto-based school sa 2-0 sa goal ni Nikko Palacio laban sa depensa ni Adamson goalkeeper Zacchaeus Suarez sa unang tatlong minuto ng laro, bago nasundan ni Macaraig mula sa mintis na tita ni Lester Carandang sa ika-35 minuto.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.