Greece, 2-0 abante sa Pinoy Cuppers

Balita - - Sports -

TULAD ng inaasahan, nanaig ang karanasan at estado ni Stefanos Tsitsipas ng Team Greece laban kay Pinoy star AJ Lim, 6-2, 6-1, kahapon sa singles event sa pagsisimul­a ng Davis Cup World Group II playoff tie sa Philippine Columbian Associatio­n (PCA) sa Plaza Dilao, Paco, Manila.

Hindi rin nagpahuli ang nakababata niyang kapatid na si Petros na magaan na nagwagi kay host country’s top bet Jeson Patrombon, 6-2, 6-1, para sa 2-0 bentahe sa torneo.

Tatangkain ng Pinoy na makahirit sa pakikipagt­uos nina Francis Casey Alcantara at Ruben Gonzales lontra Petros Tsitsipas at Markos Kaloveloni­s sa doubles event ngayon.

Maghaharap­o naman sa reverse singles sina Stefanos at Patrombon, gayundin sina Petros at Lim.

Sa muling pagkikita ng dalawa mula nang magkaharap sa kanilang junior years, mas kompleto sa laro ang 6-4 na si Tsitsipas, ranked No. 6 sa Associatio­n of Tennis Profession­als, at hindi kinaya ni Lim ang lakas ng karibal sa kabuuan ng 53 minuto.

Galing lamang sa runner-up finish si Tsitsipas kontra World No.1 Novak Djokovic sa Dubai Championsh­ip.

“I had a difficult time adjusting to the court it felt like a sauna here, but I still found ways to adjust,” sambit ni Tsitsipas.

ALI VICOY

TUTOK si Stefanos Tsitsipas ng Team Greece sa bola para backhand return laban kay Pinoy star Alberto Lim, Jr. sa first singles match ng kanilang World Davis Cup tie kahapon sa Philippine Columbian Associatio­n (PCA). Nanaig ang World No.6 na si Tsitsipas, 6-2, 6-1.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.