Lorna, hinahawi ang bangs para bumait

Balita - - Showbiz - Ni ADOR V. SALUTA

AMDAM na ni Lorna Tolentino ang galit ng madlang pipol dahil sa role niyang bilang

Lily Cortez, na kontrabida sa primetime seryeng

FPJ’s Ang Probinsyan­o, na pinagbibid­ahan ni Coco Martin.

Kuwento ni Lorna, Lily na ang tawag kanya ng mga manonood kapag nakikita siya ng personal sa mga events o sa mall. Kaya’t inalis na raw niya ang trademark na bangs na bahagi ng kanyang karakter na si Lily, malayo sa kanyang trademark sa tunay na buhay.

“Medyo kailangan muna i-side ang bangs kasi kapag naka-bangs ako, medyo parang ang tingin ng lahat ay si Lily! Parang ‘Miss Lily, pwede po ba magpapictu­re?’ Lily na!” kuwento ni LT (tawag sa aktres) sa panayam ng press sa renewal ng kanyang kontrata sa Beautéderm.

Sabi pa ni Lorna, “So kapag wala, medyo naiba na. Miss LT na ulit. Pero happy naman ako na ganun ang tinatawag nila sa akin ibig sabihin nanonood talaga sila,” nakangiti niyang kuwento. Nagpapasal­amat si LT dahil sa Ang Probinsyan­o ay nadagdagan ang kaniyang pang renovate ng kanilang bahay sa may Sct. Rallos, Q.C. Iri-renovate ang luma nilang bahay at idi-divide ito sa kanyang dalawang anak na sina Renz at Ralph. May sarili na ring disenyo si LT para sa kanyang bahay, mala-bungalow na hindi na niya kailangan pang umaakyat sa matataas na hagdan. “Kailangan na maging sa akin more of a senior friendly home di ba? Dumadating tayo sa point na nahihirapa­n na tayo umakyat ng hagdanan so sana one level na lang ang sa akin yung ganun,” pahayag pa ni LT.

Lorna

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.