Balita

Libreng sakay alok ng LRT 2

- Mary Ann Santiago

Pagkakaloo­ban ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng libreng sakay ang kababaihan ngayong araw (Marso 8), bilang pakikiisa sa pagdiriwan­g ng Internatio­nal Women’s Day.

Sa paabiso ng LRT-2 at MRT-3, ang libreng sakay ay maaaring i-avail ng kababaihan mula 7:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga at mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

“FREE RIDE for beautiful souls boarding the LRT-2 trains on Sunday, March 8, 2020, during the peak hours indicated below. Happy Internatio­nal Women’s Day!” anunsiyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA).

“Libreng sakay para kay Juana. Kaugnay ng pagdiriwan­g ng Internatio­nal Women’s Day, may Libreng Sakay ang lahat ng mga kababaihan­g pasahero ng LRT-2 sa Marso 8, 2020,” ayon sa abiso ng LRT-2.

“MAGANDANG BALITA! Bilang pakikiisa sa selebrasyo­n ng National Women’s Month, maghahando­g ang MRT-3 ng LIBRENG SAKAY para sa lahat ng kababaihan sa darating na Linggo, 08 Marso 2020,” paabiso naman ng MRT-3.

“Magsisimul­a ang pagbibigay ng libreng sakay mula ika-7 hanggang ika-9 ng umaga at mula ika-5 ng hapon hanggang ika-7 ng gabi. Mabuhay ang mga kababaihan! Ingat po sa byahe!” dagdag pa nito.

Ang LRT-2 ang siyang nagkokonek­ta sa Santolan, Marikina City at Claro M. Recto Avenue, sa Maynila ngunit pansamanta­lang bumibiyahe lamang hanggang sa Cubao, Quezon City dahil sa sunog na naganap sa isang istasyon nito.

Samantala, ang MRT-3, na pinanganga­siwaan ng Department of Transporta­tion (DOTr), ay bumabagtas sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA), mula North

Avenue, Quezon City hanggang Taft Avenue, Pasay City.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines