Balita

Darren, walang balak makipagayo­s kay JK?

- Ni ADOR SALUTA

MARIIN ang pagtanggi ni Darren Espanto na makipagbat­i at ayusin ang nasirang pakikipagk­aibigan nito kay JK (Juan

Karlos) Labajo.

Nagsimula bilang mag-best friend sina Darren at JK sa The Voice

Kids season 1 ng ABS-CBN. Ngunit nagkalamat ang pagkakaibi­gan ng dalawa nang umano’y magkomento si JK hinggil sa gender issue ni sa Darren. Matatandaa­ng umabot pa sa demandahan ang away ng dalawa nang magsampa ang pamilya ni Darren ng kaso laban kay Juan Karlos, na hindi na namin nabalitaan kung ano ang kinahinatn­an.

Sa panayam kay Darren sa isang event para sa ineendorso nitong produkto, hindi nagbigay si Darren ng komento hinggil sa kaso.

“Wala pa po akong puwedeng sabihin, eh. Sorry po,” paumanhin niya.

Aminado rin ang singer na matagal na silang hindi nagkikita ni JK.

“We haven’t seen each other for years. So, I don’t know what he looks like,” sagot ni Darren.

“I mean, nung The Voice Kids we were best friends. And then, a lot of people started telling me things that he started saying about me—like after a few years na hindi kami nag-uusap. “So, I don’t really know where that came from, and why he started doing it,” pag-alala ni Darren sa pinag-ugatan ng away nila ni JK. “Ako po kasi, I’m very happy with everything that’s going on in my career. All those things na negative, I don’t like to dwell on it.

“Kasi ako po, I have my family, I have all the supporters, friends, that I couldn’t ask for more po talaga. So, those things talaga, it’s not something that I really think about.

Hindi po talaga yung something to dwell on it,” giit pa ni Darren.

Sa gitna naman ng kanilang away, sumikat ang hit song na Buwan ni JK.

Naitanong kay Darren kung kinakanta rin niya ang song na “Buwan” ni JK?

“Ako? Tama na yung… huwag na lang,” natatawang reaksyon ni Darren.

 ??  ??
 ??  ?? Darren at JK
Darren at JK

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines