R16.3-M ‘damo’ naharang

Balita - - Front Page - Rizaldy Comanda

LA TRINIDAD.Benguet – Nasa kabuuang 136 kilo ng dried marijuana na nagkakahal­aga ng P16.3 milyon ang naharang sa magkasunod na police checkpoint sa Bontoc, Mountain Province, nitong Sabado.

Sa report ni Police B/Gen. R’win Pagkalinaw­an, regional director ng Police Regional Office-Cordillera, ang mga nadakip na suspek ay pawang galing sa Buscalan, Tinglayan, Kalinga.

Nakatangga­p ng impormasyo­n ang pulisya kaugnay sa pagbibiyah­e ng mga illegal drugs.

Sa unang operasyon ng magkasanib na tauhan ng Bontoc Police at Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA)-Mt. Province sa Sitio Pak-kil, Lower, Caluttit, Bontoc, Mountain Province, nadakip si Joseph Patilona, 35, taga Angeles, Pampanga, dakong 9:30 ng gabi.

Hinarang ng mga awtoridad ang isang black Chevrolet na may conduction sticker AAF 5941 at nang beripikahi­n ang sasakyan ay nakita ang mga boxes ng karton na naglalaman 111 piraso ng dried marijuana bricks; 36 piraso ng marijuana in tubular form na may kabuuang 109 kilos at nagkakahal­aga ng P13,080,000.00.

Nasamsam din ng pulisya ang isang Cal. 9mm Pistol Czech na may 2 magazine at 20 bala mula sa suspek.

Kasama ng suspek na naaresto sina Mark Kevin Guzman, 21, tagaQuezon City; Nini Acio, 25, ng Tabun, Angeles City; Princess Gina Guma, 18, ng Barangay Anonas, Angeles City, at isang pitong taong gulang.

Sa ikalawang police checkpoint ay tatlo pang suspek ang nadakip sa Sitio Lagcandeo,Barangay Bontoc Ili, Bontoc, Mt. Province, dakong 11:00 ng gabi.

Kinilala ang mga nadakip na sina Jerald Ignacio Escanillas 22; John Vincent Madrid Santos, 20, at Princess Diana Antonio Kling,21, at Ryan Joe Courpin, pawang taga Angeles City. Nakumpiska sa loob ng kanilang sasakyan ang mga karton na naglalaman ng 27.570 kilo ng dried marijuana bricks in tubular na nagkakahal­aga ng P3,308,40.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.