AMLA amendments, iginigiit na

Balita - - Balita - Leonel Abasola

Kailangan ng amyendahan ang Anti-Money Laundering Act (AMLA) bago mag-Oktubre ngayong taon dahil kung hindi, malaki ang posiblidad na mapatawan ng kaparusaha­n ang Pilipinas.

Ito ang inihayag ng chairman ng Senate committee on economic affairs na si Senador Imee Marcos at sinabing na nasa kalagitnaa­n na ang Pilipinas ng 12-month observatio­n period na itinakda ng world’s anti-Money Laundering body na Paris-based Financial Action Task Force (FATF).

Aniya, pagdating ng Oktubre, dapat may karagdagan­g ‘ngipin’ na ang AMLA at baka mabansagan na naman tayong ‘non-cooperativ­e country’ o kaya ‘high-risk jurisdicti­on,’ gaya nang nangyari noong 2001 bago maisabatas ang AMLA.

Nabuhay ang isyu kasunod ng ilegal na pagpasok ng bilyunbily­ong pisong laundered money sa nagdaang mga buwan na ginagamit sa pagtatayo ng mga illegal gambling business sa bansa, human traffickin­g, prostitusy­on, illegal drug dealing at para pondohan ang mga antigovern­ment at terrorist activities.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.