Big-time oil price rollback, ipinatupad

Balita - - Balita - Bella Gamotea

Nagpatupad ng bawas-presyo sa produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis sa bansa sa pangunguna ng Phoenix Petroleum Philiipine­s simula kahapon.

Sa anunsyo ng Phoenix Petroleum, dakong 6:00 ng umaga, kahapon nang ibaba ng P1.20 sa presyo ng kada litro ng gasolina at P0.75 naman sa diesel.

Hindi naman nagpahuli ang Cleanfuel na magpapatup­ad ng kaparehong bawas presyo sa kanyang gasoline at diesel ngayong Linggo,bandang 4:01 ng hapon.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis tulad ng Shell,Petron,PTT Philippine­s,Seaoil,Flying V at Chevron sa kahalintul­ad na oil price rollback hanggang saMartes.

Ang bagong bawas-presyo sa petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdig­ang pamilihan.

Nitong Marso 3,huling nagpatupad ng big-time oil price rollback na P1.65 sa kerosene,P1.60 sa diesel at P1.40 naman sa gasolina.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.