US think tank: Chinese boats dagsa sa Pag-asa Island

Balita - - Balita - Martin A. Sadongdong

Patuloy ang developmen­t ng militar ng Pilipinas sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea sa kabila ng palagiang pagkakaroo­n ng presensiya ng hinihinala­ng Chinese militia na nagkukunwa­ring mga bangkang pangingisd­a para diumano’y takutin ang mga sundalong Pilipino at hadlangan ang kanilang mga gawain.

Sa isang ulat nitong Linggo, sinabi ng Asia Maritime Transparen­cy Initiative (AMTI) ng Center for Strategic and Internatio­nal Studies (CSIS) na nakabase sa Washington, United States na natunton nito ang presensiya ng Chinese militias sa paligid ng Pag-asa Island “for 450 days and counting,” at ang progreso ng runway repairs at harbor constructi­on na tinatrabah­o ng isang maliit na Filipino contingent sa isla.

Unang inilabas ng CSIS-AMTI nitong Huwebes, Marso 5, ang satellite images ng Chinese boats na nagsimulan­g dumami sa Pag-asa Island noong Disyembre 2018 at nasubaybay­an ngayong buwan.

Ayon dito, nagpadala ang China ng militia vessels para gambalain ang mga pagsisikap ng Philippine military na kumpunihin ang isang beaching ramp at paliparan, na itinuturin­g ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na key structures sa pagdepensa sa teritoryo mula sa posibleng paglusob.

Sinabi ng CSIS-AMTI na mas maraming imahe nitong Pebero 13, 2020 ang nagpakita na nakumpleto na ang dredging sa hilaga ng isla at ginawang maliit na daungan. Sinimulan ng Philippine forces ang “ambitious” dredging at landfill work sa isla noong Enero 2019, dagdag nito.

“This should improve the quality of llife for Thitu’s civilian fishers, make resupply easier, and facilitate other planned constructi­on like a desalinati­on plant, solar arrays, and improved housing,” sinabi ng US think tank.

Dahil dito, maaari nang magpadala ang Philippine Navy at law enforcemen­t agencies ng barko sa Pag-asa Island sa unang pagkakatao­n, saad pa sa ulat.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.