Spa na may ‘extra service,’ sinalakay; lima, nailigtas

Balita - - Balita - Bella Gamotea

Sinalakay ng mga operatiba ng Makati City Police ang isang spa na nag-aalok umano ng ‘extra service’ sa kanilang mga customer na ikinaresto ng maintainer nito, sa nasabing lungsod.

Kinilala ni Colonel Rogelio Simon, hepe ng pulisya, ang naaresto suspek na si Christine Paguia, 39, maintainer/massage attendant, at residente sa Eastern Village, Antipolo City.

Samantala, nasagip naman ang limang dalagang massage attendant ng naturang spa.

Sa naantalang ulat ni S/M/S Romeo Penaflor, sinalakay ng mga elemento ng Station Investigat­ion and Detective Management Section (SIDMS) at Women and Children Protection Desk (WCPD) sa pangunguna ni Major Gideon Ines Jr, ang Roadstar Spa na matatagpua­n sa 2/F Eurocrest Building, 126 Jupiter Street, Bgy. Bel-Air sa Makati City, dahil sa pag-aalok ng sex service sa kanilang mga kliyente, dakong 12:30 ng madaling araw nitong Biyernes.

Isang operatiba ang nagpanggap na kliyente at nag-abot ng marked money sa suspek na si Paguia at isa sa dalagang massage attendant ng spa kapalit ng pakikipagt­alik dito na sanhi ng pagkakadak­ip ng maintainer ng naturang spa.

Agad dinala ang mga nailigtas na babae sa WCPD para sa interview at dokumentas­yon.

Nakakulong na sa custodial facility ng pulisya ang suspek at nakatakdan­g sampahan ng kaukulang kaso sa Makati Prosecutor’s Office.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.