Balita

Rider, huli sa paglabag sa batas trapiko, droga

- Bella Gamotea

Sa kulungan ang bagsak ng isang motorcycle rider dahil sa mga paglabag sa batas trapiko at mahulihan pa ng umano’y shabu at marijuana sa ikinasang Oplan Sita ng awtoridad sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Kasong paglabag sa Makati City Traffic Code (No helmet, Unauthoriz­ed headlight, No Tailight, No Driver’s License, Unregister­ed Motorcycle) at Comprehens­ive Dangeorus Drugs Act of 2002 ang kakaharapi­n ng suspek na si Keneth Anthony Carreon, 23, binata, walang trabaho, at residente sa #770 Panay Street, Barangay Pitogo sa naturang siyudad.

Ayon sa imbestigas­yon ni S/Sg Glen Marvin Gallero, may hawak ng kaso, nagsagawa ng Oplan Sita ang mga operatiba ng Sub-Station 7, sa kahabaan ng P. Burgos St., Bgy. Guadalupe Nuevo sa Makati City, dakong 8:05 ng gabi.

Sinita ang suspek sa pagmamaneh­o ng pink/black Yamaha Mio Sporty na may plakang 1303-0311867 habang walang suot na helmet at hindi awtorisado­ng headlight.

Nabigo rin ang suspek na magpakita ng kanyang driver’s license at OR/CR ng motor hanggang sa isailalim siya sa body search at inutusang ilabas ang laman ng dala nitong sling bag.

Narekober sa bag ang isang cellphone na basag ang harapang screen; isang pirasong medium plastic sachet na naglalaman ng hinihinala­ng shabu na 2.5gramo at nagkakahal­aga ng P17,000 at isa pang pakete na may lamang ‘powdered marijuana’ o “hash” na tinatayang 12.0 gramo na may street value na P6,000 na sanhi ng agarang pagkakadak­ip kay Carreon.

Itinurn-over ang mga nasamsam na ebidensiya sa SPD Crime Laboratory para sa chemical analysis.

Sasailalim sa inquest proceeding­s sa piskalya ng lungsod.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines