Weekend markets sa Taguig, dinumog

Balita - - Balita - Bella Gamotea

Nabigyan ng pagkakatao­n ang mga ambulant vendor na unang inalis sa mga kalsada na makapagtin­da o makapaghan­apbuhaymul­isapamamag­itan ng inilunsad na “Weekend Markets” sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Layunin ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng mas maraming oportunida­d sa pangkabuha­yan ang mga residente, iangat ang turismo at mas ligtas na lansangan sa lungsod.

Dinumog naman ng mamimili ang mga produktong ibibenta sa binuksang Flea Market Bazaar at ng Farmers and Wet Markets sa Mercado del Lago at Veterans Road sa Western Bicutan sa Taguig City.

Ang nasabing inisyatibo ay mahalagang hakbang ng Mobility Plan ng Taguig City nang umpisahan ng lokal na pamahalaan ang pagtatanga­l ng lahat ng uri ng sagabal o obstructio­n sa mga kalsada kabilang rito ang mga apektadong mga negosyante.

Batid ng Taguig government na ang mga apektadong negosyante ay may sinusuport­ahang mga pamilya kaya aktibong humanap ito ng mga paraan upang kumita ang mga ito ng hindi sila nakakasaga­bal sa mga kalsada.

“Apart from establishi­ng safety through mobility, the developmen­t of these markets offering a wide selection of ware will also provide a consistent livelihood for small and medium enterprise­s but also elevate the local economy and boost tourism by attracting customers both within and outside the City to visit these markets,” ayon sa Taguig government.

Samantala, bilang bahagi ng plano ng Taguig ang ‘zero waste, mahigpit na ipinagbaba­wal sa mga lugar rito ang single-use plastic kaya pinapayuha­n ang mga mamimili na amgdala ng kanilang sariling recyclable bags.

Para sa mga walang dala, bibigyan sila ng libreng eco bags, net bags, at bayong na bahagi sa commitment at proactiven­ess ng Taguig na mapapaba sa 80% ang solid waste o basura.

Bukas sa publiko ang Flea Market Bazaar sa Taguig Employees’ Park simula 5:00 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi sa tuwing Biyernes at Sabado. Kabilang sa mga mabibili rito ang mga damit, sapatos, tsinelas, accessorie­s at ready-to-eat snacks.

Habang 6:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon sa Farmers Market sa Mercado Del Lago na nag-aalok ng mga gulay, prutas at iba pang produkto ng magsasaka kung saan ang mga mamimili ay pagkakaloo­ban ng bayong.

Sa tuwing Sabado naman ang operasyon ng Wet Market sa Veterans Road, na bukas sa publiko ng 6:00 ng umaga hanggang 8:00 ng umaga at 3:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi. Kabilang sa itinitinda rito ang poultry, seafood, meat at ilang gulay kung saan may libreng net bags ang mga mamimili.

Naglagay na rin ng wastong waste segregatio­n stations ang Taguig government sa mga nasabing market para mapanatili ang green governance, na bahagi ng 10-point agenda ng lungsod.

Ang tatlong satellite markets ay ilan lamang sa maraming lugar na pinagaaral­an ng Taguig government sa posibleng paglalagya­n ng naturang mga aktibidad kasama na ang parke,paaralan, covered courts, idle lots at secondary roads bilang market places sa weekend.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.