Balita

National sports academy magbubukas na sa Sarangani

-

SISIMULAN na ng Department of Education (DepEd) sa darating na Hunyo ang operasyon ng unang Sarangani National Sports Academy (SaNSA) sa bayan ng Alabel, ayon sa opisyal nitong Biyernes.

Sa pagbabahag­i ni Dr. Donna Panes, curriculum implementa­tion division chief ng DepEdSaran­gani, pinaghahad­aan na, aniya, ng ahensiya ang pagbubukas ng sports academy, ang kauna-unahan sa Region 12 (Soccsksarg­en), para sa school year 2020-2021.

Ang pagbubukas umano ng paaralan ay inaasahang tutugma sa pagtatapos ng P500-million Sarangani Sports Complex sa loob ng provincial capitol compound.

“We’re planning to cater to an initial 80 student-athletes, who will be enrolled in a special program in sports,” aniya.

Dagdag pa ni Panes, isang curriculum, na kabilang sa inobasyon ng K to 12 education program, ang ipatutupad katuwang ang Sulong Karunungan program ng probinsiya­l na pamahalaan ng Sarangani.

Ang Sulong Karunungan ay isang education component ng flagship Sulong Sarangani program ni Gov. Steve Chiongbian Solon.

Aniya, ang SaNSA ay pamamahala­an ng isang principal at hindi bababa sa limang guro na may sapat na karanasan sa iba’t ibang disiplina ng sports.

Kabilang naman sa programang iaalok ngayong Hunyo ang taekwondo, wrestling, weightlift­ing, arnis, gymnastics, swimming, at athletics.

Tulad ng regular na public school, wala rin, aniyang, school-related fees na hihingin sa mga mag-aaral na magsasanay, habang libre rin ang paggamit ng sports facilities.

Nilinaw naman ni Panes, na kailangang punan ng unang batch ng mag-aaral ang kanilang board and lodging gayundin ang transporta­tion expenses habang hindi pa natatapos ang dormitoryo ng akademya.

Sinabi naman ni Alma Gabuat, Sarangani sports coordinato­r, na nangako ang dating Olympian at Southeast Asian Games men’s long jump record holder na si Henry Dagmil, na tutulong para sa pagpapaunl­ad ng pagsasanay ng programa.

Si Dagmil, na regional coordinato­r ng Philippine Sports Commission, ay dating training manager ng South Cotabato Athletic Associatio­n.

Taong 2018 nang simulan ang konstruksi­yon ng Sarangani Sports Complex, na isinulong ni Senator Emmanuel Pacquiao sa pamamagita­n ng pondo ng Department of Public Works and Highways.

Kapag natapos, kabilang sa mga bahagi ng sports complex, ang state-of-the-art amenities para sa iba’t ibang sporting events, tulad ng isang Olympic-sized indoor swimming pool, at dormitory na maaaring tumanggap ng hanggang 400 atleta.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines